14/10/2025
From anonymous sender
"Ako ay 27 taong gulang, isang office staff sa Makati.
Dahil madalas kapos ang aking sweldo, sinubukan kong mangutang sa online lending apps para sa mga emergency na gastos — una ay pambayad ng renta, pero kalaunan ay naging paulit-ulit.
Hindi ko agad nabayaran sa takdang araw, kaya tumaas ang interes at penalty.
Para mabayaran ang isa, nangutang ulit ako sa ibang app.
Dumating pa ang mga text at pananakot ng mga collector, kaya lalo pa akong na-stress.
Ako ay mayroon nang utang sa 8 lending apps na may kabuuang ₱60,000, pero ₱25,000 lang ang tunay na principal — puro interest at penalty na ang natitira."