17/09/2025
7 NPAs sa Sultan Kudarat province, sumuko
Pitong mga miyembro ng ngayon ay mahina ng New Peopleโs Army, apat sa kanila menor-de-edad na puwersahang pinasanib ng mga NPA commanders sa kanilang teroristang grupo, ang sumuko sa 37th Infantry Battalion sa Kalamansig, Sultan Kudarat nitong hapon ng Lunes, September 8, 2025.
Sa ulat nitong Martes ni Brig Gen. Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry Division, agad na iprinisenta ni Lt. Col. Christopher Capuyan, commanding officer ng 37th IB, ang pitong sumukong mga gerilya kina Brig. Gen. Michael Santos, na siyang namumuno ng 603rd Infantry Brigade, at Kalamansig Mayor Ronan Eugene Garcia.
Isinalaysay ng mga sumukong NPA, dalawa sa kanila mga babae, habang nasa tanggapan ng mayor ng Kalamansig, na nagpasya silang magbalik-loob na sa pamahalaan upang muling makapiling ang kani-kanilang mga pamilya matapos mamulat na wala ng kabuluhan ang grupo na ngayon ay tanging terorismo na lang ang pinapalaganap.
Ayon sa mga opisyal ng multi-sector Kalamansig Municipal Peace and Order Council, ang pagsuko sa 37th IB ng pitong mga NPA ay bunga ng magkatuwang na backchannel negotiations na isinagawa ng mga local government officials sa Kalamansig at nila Capuyan at Santos.
Ayon kay Gumiran, magtutulungan ang 603rd Infantry Brigade at ang local government unit ng Kalamansig sa pag-gabay sa pitong mga NPA sa kanilang pagbalik sa kani-kanilang mga barangay upang mamuhay na ng tahimik.
Kinumpirma ng dalawang nakakatandang mga NPAs sa grupo na sumuko, sina Brigoy, 27-anyos, at ang 29-anyos na si Papaw, parehong mula sa isang indigenous community sa probinsya ng Sultan Kudarat, na mahina na ang NPA at ang mga nalalabing mga miyembro nito ay sapilitang nangingikil na lang ng pera at bigas sa mga walang labang mga magsasaka at mga maliit na negosyante upang may makain at may pondong magagamit para sa kanilang mga pangangailangan.
Binigyan ni Mayor Garcia ng inisyal na ayudang cash at bigas ang pitong sumukong NPA na kanilang babaunin sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga lugar. (Sept. 9, 2025, Kalamansig, Sultan Kudarat, Region 12)