13/03/2025
SENADOR DELA ROSA, HANDANG MAGPAARESTO AT SAMAHAN SI DATING PANGULONG DUTERTE
Kinumpirma mismo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Miyerkules, sa isang phone call interview na nasa Pilipinas siya at hindi siya nagtatago.
Ang pahayag ni dela Rosa, ay matapos na maaresto ng mga otoridad si dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa warrant for crimes against humanity ng International Criminal Court.
Ayon kay dela Rosa, busy siya sa pangangampanya at katatapos lang mangampanya sa mga bundok ng Surigao at Agusan.
Paliwanag ng senador, sadya niyang pinatay ang kanyang telepono dahil busy siya sa pag-aasikaso ng petition for certiorari and prohibition na inihain kamakailan sa Korte Suprema.
Aniya, siya raw kasi ang inatasan na na mag-asikaso ng legal remedies sa korte dahilan kung bakit hindi rin daw siya nakasama sa Hong Kong.
Samantala, sa Facebook post ni Dela Rosa, sinabi niya na handa siyang samahan si Duterte sa kulungan nito sa ICC sa The Hague, sa The Netherlands kung papayagan siyang alagaan ang dating pangulo.
Gayunman, nilinaw ni Dela Rosa na magpapa-aresto lamang siya sa ICC kung may warrant of arrest na at tiniyak niyang hindi siya magtatago.