25/07/2025
PASIKATIN NATIN SI SIR‼️‼️
😭BAYANI MULA SA AURORA, ZAMBOANGA DEL SUR: ALVIN JALASAN VELASCO, NURSE, AMBULANCE Driver AT LDRRMO RESPONDER, NASAWI HABANG NAGLILIGTAS SA GITNA NG BAHA SA San Jose, Nueva Ecija.
Isang trahedyang punô ng kabayanihan ang gumimbal sa bayan ng San Jose, Nueva Ecija at Aurora, Zamboanga del Sur matapos masawi si Alvin Jalasan Velasco, isang nurse at aktibong miyembro ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), habang nagsasagawa ng rescue operation sa Nueva Ecija.
Si Alvin, tubong Aurora, Zamboanga del Sur at nakapag-asawa ng taga-San Jose, Nueva Ecija, ay kilala bilang matapang at mapagmalasakit na frontliner. Sa gitna ng matinding baha, isinagawa niya ang tungkulin ng walang pag-aalinlangan upang iligtas ang mga residenteng nasa panganib. Ngunit sa isang iglap, may isa sa kanila ang nadala ng agos, napalayo. Walang pag-aalinlangang hinablot ito ng katabi ni Alvin, at si Alvin, mahigpit na humawak, tumulong.
Subalit tila isang dambuhalang kamay ang tubig—bigla itong lumakas, bumugso, at maging si Alvin ay nadala na rin ng agos. Pilit siyang hinila pabalik, ngunit ang lakas ng baha ay masyadong malupit, at si Alvin ay napalayo… at tuluyang nawala sa ilalim ng tubig.
Ang kanyang buhay ay patunay ng tunay na diwa ng serbisyo: pagtulong nang walang kapalit, kahit pa ang kapalit ay sariling buhay.
Ngayon, hindi lamang siya inaalala bilang nurse o rescuer, kundi bilang isang bayani—anak ng Zamboanga del Sur, asawa at ama sa Nueva Ecija, na nag-alay ng buhay para sa kapwa.
Big salute to you sir 🫡
Isa Kang tunay na bayani 💪
copied ctto📌
゚viralシfypシ゚