01/01/2026
Pagkatapos ng New Year, ano nga bang ginagawa sa Prosperity Bowl?
January 2, pwede ng ligpitin ang prosperity bowl.
Ang mga laman nito like RICE, 12 EGGS and LUCKY FRUIT ay maari ng gamitin or kainin. Hugasan lamang mabuti ang bigas at fruit bago lutuin at kainin. Ang itlog ay maari na lutuin kung fresh pa.
Ang mga PERANG PAPEL na nakarolyo ay maari na ring alisin at gamitin o di kaya itago mo muna sa wallet mo kapag hindi pa kailangan.
Ang ANGPAO na may laman ay itatago for goodluck. Maaari din itago ang mga bay leaf to attract prosperity at for protection.
Ang mga chocolate gold coins ay maaari na rin kainin or ireserve for later consumption.
Wishing you all a blessed and prosperous NEW YEAR 2026 🎉🎆