25/10/2025
Agree ako sa sinabi ni Ms. Toni Gonzaga, totoo talaga, mommies. 💔
Malaki ang epekto ng kung kanino natin iniiwan ang mga anak natin. 💔
Yung nakikita, naririnig, at nararanasan nila araw-araw, yun ang bumubuo sa pagkatao nila.
Yun ang magiging ugali, asal, at puso nila paglaki.
Kaya kung kaya pa nating magtiis, magtipid, o mag-adjust, piliin nating tayo muna ang mag-alaga.
Dahil walang ibang makakapagbigay ng genuine love and care kundi ang isang nanay na totoo ang malasakit. 🫶🏻
Kung talagang kailangan na natin tumulong kay mister, piliin nating mabuti kung kanino natin ipagkakatiwala ang mga anak natin.
Hindi lahat ay marunong mag-alaga, marunong magmahal.
At hindi lahat ng nakangiti, mabuting impluwensya.
Ang mga bata, hindi lang kailangan ng gatas, diaper, at laruan, kailangan nila ng gabay, ng oras, ng pagmamahal, at ng kapayapaan sa loob ng bahay. 💖
Walang batang dapat makaranas ng trauma.
Yung childhood nila, hindi na natin maibabalik.
Kaya habang bata pa sila, punuin natin ng yakap, ng pagmamahal, at ng magagandang alaala. 🌷