18/08/2025
๐๐๐๐-๐๐๐ข๐ง ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ 2025: ๐๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง | ๐๐๐ฐ๐ฌ
โ
โLungsod ng Surigao โ Sa isang makulay at inspiradong pagdiriwang, idinaos ngayong araw, Agosto 18, 2025, sa SNSU Gymnasium ang taunang Primera Eskwela ng Surigao Del Norte State University (SNSU) Main Campus. Sa temang "Handa sa Panibagong Hakbang, Wika'y Tanglaw sa Landas ng Tagumpay," muling nagningning ang pag-asa at determinasyon sa puso ng bawat estudyante.
โ
โNagsimula ang araw sa isang Banal na Misa, kung saan nanalangin ang lahat para sa isang matagumpay na taon ng pag-aaral. Sumunod ang pormal na pagbubukas na pinangunahan ng mga awitin at panalangin, na nagbigay-daan sa makabuluhang mensahe ni Dr. Ronita E. Talingting, Vice President for Academic Affairs.
โ
โSa kanyang talumpati, nagbahagi si Dr. Rowena A. Plando, PhD, University President, ng mga salitang nagbibigay-inspirasyon. "We believe that academic excellence isn't just a grade, it is an experience in every classroom, every project, and every interaction," ani Dr. Plando. Hinamon din niya ang mga estudyante na maging malikhain at huwag matakot na abutin ang mga pangarap. "We challenge you, freshmen students as well as our old students to be curious, to be innovative, and to push the boundaries of what we thought was impossible."
โ
โAng programa ay nagpatuloy sa pagpapakilala ng mga bagong mukha sa unibersidad at pagkilala sa mga empleyadong nagsikap at na-promote. Nagkaroon din ng mga espesyal na pagtatanghal tulad ng USC Promotional Video at mga sayaw na nagpakita ng talento ng mga estudyante. Hindi rin nakalimutan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ASEAN Month, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kultura at internasyonal na ugnayan.
โ
โPagdating ng hapon, nagpatuloy ang programa tungo sa University Student Council 1st General Assembly, kung saan ipinakita nila ang kanilang propesyonalismo at dedikasyon sa kanilang tungkulin. Tinalakay nila ang mga sumusunod; Pagpapakilala ng kanilang bagong konseho, mga updates sa bagong SNSU Student Handbook, pag presenta ng kanilang Constitution-By-Laws o CBL at kalendaryo ng mga aktibidad para sa AY. 2025-2026, pinansyal na ulat, at pagpapakita ng mga QR codes para sa mga pages na kailangang mai-follow o masundan ng mga mag-aaral tungo sa mga impormasyon na kailangan nilang malaman at maunawaan.
โ
โSa kabilang dako, nagbigay naman ang Lingas Sagedsed Dance Ensemble ng isang natatanging pagtatanghal, kung saan pinagsama nila ang tradisyonal na folk dance at modernong hiphop, na nagpakita ng talento at pagiging malikhain ng mga estudyante.
โ
โSa bawat ngiti't palakpak, ramdam ang sigla at pag-asa sa bagong yugto ng pag-aaral sa SNSU Main Campus. Ang nasabing aktibidad ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong pakikilahok sa pagpapaunlad ng pamantasan at ng lipunan. Nawa'y maging simbolo ito ng palagiang pagsisikap tungo sa pagkamit ng kaniya-kaniyang pangarap, gamit ang wika at kaalaman bilang tanglaw sa landas ng tagumpay.
โ๐ป| Nash Harvey S. Jornales | ๐บ๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐
๐ท| Lance Marvey Ijapon | ๐บ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ท| Henard Cire O. Elorde | ๐บ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐