04/12/2025
'TATAK DUTERTE': Tinanggihan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na humarap sa imbestigasyon kaugnay ng flood control projects sa kanyang distrito.
Umalingawngaw ang puna ng maraming Pilipino dahil taliwas ito sa kanyang sariling pahayag noong Disyembre 3, kung saan matapang niyang sinabi na bukas siya sa anumang imbestigasyon ng ICI: “Wala tayong tinatago, wala tayong tinatakbuhan, at wala tayong kinakatakutan.”
Dahil sa biglaang pag-iba ng posisyon, ikinokonekta na rin ito ng maraming Pilipino sa umano’y nakaugaliang estilo ng pamilya Duterte pagdating sa mga isyu—matapang sa salita ngunit umiiwas kapag oras na ng pagharap sa imbestigasyon.