23/03/2026
Masaya po akong dumalo sa Barangay Assembly kahapon ng Barangay Poblacion Zone 5 โ ang aking sariling barangay.
Ikinagagalak kong muling makasama ang ating masisipag na barangay officials at functionaries at mga kabarangay. Ibinahagi ko ang aking mga ginagawa bilang konsehal, lalo na ang pagsusulong ng mga reporma at mahahalagang panukala sa Sangguniang Bayan upang mas mapabuti ang serbisyo at pamamahala sa ating bayan ng Taal.
Maraming salamat Kap. Wally Amante at sa lahat ng functionaries sa imbitasyon at patuloy ninyong suporta, pakikiisa, at malasakit sa ating komunidad. Sama-sama po nating ipagpatuloy ang pag-unlad ng ating barangay at ng buong bayan. ๐