BATAS NI AMIGO

BATAS NI AMIGO SERBISYO PUBLIKO ๏ฟฝ) at IBA PA . ".TO fear God, is one of the humblest Form of Faith " ๐Ÿ™

PART 2 ..Eskandalo sa Bicolandia Noon ,na Kapwa Media ko pa ay nakalaban ko nang Dahil Sa Pagtatanggol ko at Pagtulong k...
08/12/2022

PART 2 ..
Eskandalo sa Bicolandia Noon ,na Kapwa Media ko pa ay nakalaban ko nang Dahil Sa Pagtatanggol ko at Pagtulong ko sa Batang Menor De Edad na Pinalo nang steel chair sa harap Ng kaniyang g**o at Biktima nang Bullying na menor de edad din pong Bata na Dayo Po sa Lugar nang Bicolandia Sila .

BATAS NI AMIGO Kasama si Flaubert Sy Bien Topic:ANTI BULLYINGMaari na po kayong dumolog e message nyu lamang po sa aming fb page ang BATAS NI AMIGO o maari p...

PART 1Eskandalo sa Bicolandia Noon ,na Kapwa Media ko pa ay nakalaban ko nang Dahil Sa Pagtatanggol ko at Pagtulong ko s...
08/12/2022

PART 1
Eskandalo sa Bicolandia Noon ,na Kapwa Media ko pa ay nakalaban ko nang Dahil Sa Pagtatanggol ko at Pagtulong ko sa Batang Menor De Edad na Pinalo nang steel chair sa harap Ng kaniyang g**o at Biktima nang Bullying na menor de edad din pong Bata na Dayo Po sa Lugar nang Bicolandia Sila .

BATAS NI AMIGO Kasama si Flaubert Sy Bien Topic:ANTI BULLYINGMaari na po kayong dumolog e message nyu lamang po sa aming fb page ang BATAS NI AMIGO o maari p...

Alias Nognog nang Cabrera Pasay City  ,WANTED ! TINUGIS Nang BATAS NI AMIGO !
08/12/2022

Alias Nognog nang Cabrera Pasay City ,WANTED ! TINUGIS Nang BATAS NI AMIGO !

Looking for alias nognog a wanted of pasay cabrera city BATAS NI AMIGO Kasama si Flaubert Sy Bien Maari na po kayong dumolog e message nyu lamang po sa aming...

Ito na Po Ang official YouTube Channel ko Po Mga Ka Amigas Amigos ko ,Pls ,Subscribe & Hit the Bell button Po ๐Ÿ‘ Thanks P...
12/11/2022

Ito na Po Ang official YouTube Channel ko Po Mga Ka Amigas Amigos ko ,Pls ,Subscribe & Hit the Bell button Po ๐Ÿ‘ Thanks Po in advance โ™ฅ๏ธโ™ฅ๏ธโ™ฅ๏ธHappy Saturday Everyone ๐Ÿ™GodBless Po ๐Ÿ™

A PUBLIC SERVANT ( HUMAN CONNECTION SPECIALIST) A MEDIA ( RADIO- TELEVISION ANCHORMAN )For business please contact me!Email: [email protected]...

* BATAS KAALAMAN * ANO ANG PARUSA SA ISANG LALAKING KASAL NA NAKIKIAPID SA IBANG BABAE NA HINDI NIYA ASAWA? SAPAT NA BAN...
19/10/2022

* BATAS KAALAMAN *

ANO ANG PARUSA SA ISANG LALAKING KASAL NA NAKIKIAPID SA IBANG BABAE NA HINDI NIYA ASAWA? SAPAT NA BANG EBIDENSIYA ANG PAGKAKAROON NG ANAK NIYA SA IBANG BABAE?"

ANG CONCUBINAGE O PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON NG ISANG KASAL NA LALAKI SA BABAE NA HINDI NIYA ASAWA AT PAGBABAHAY DITO AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG. ANG PAGKAKAROON NG ANAK NG ISANG KASAL NA LALAKI SA IBANG BABAE O BIRTH CERTIFICATE NG ANAK SA IBANG BABAE HABANG KASAL SIYA AY HINDI MAGAGAMIT NA EVIDENCE SA KASONG CONCUBINAGE DAHIL ANG PINAPARUSAHAN DITO AY ANG PAGBABAHAY NG KABIT. ANG CONCUBINAGE AY HINDI GROUND SA ANNULMENT AT ANG PAGKAKAROON NG ANAK SA IBANG BABAE AY HINDI MASASABING CONCUBINAGE.

Marami ang nagtatanong sa Batas Ni Amigo kung ano ba ang maikakaso sa isang kasal na lalaki na nagkarelasyong sekswal sa isang babae na hindi niya asawa o nagkaanak siya sa isang babae na hindi niya asawa at ito ay binahay niya o nagsasama sila sa iisang bubong. Meron din nagtatanong kung ano ba ang malakas na evidence para kasuhan ang lalaking nakiapid. Ganito ang mga tanong nila:

"Anong pwede maikaso ko sa aking mister na nagkaroon ng babae at binabahay niya ito sa aming bahay na aking pinagawa?"

"Sir nadiskubre ko po na may ibang babae ang mister ko habang nasa abroad ako at may anak na sila. Nakuha ko ang kopya ng birth certificate ng kanilang anak, sapat na bang masampahan ko siya ng kasong kriminal?"

Ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code - Concubinage. - Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual in*******se, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods. The concubine shall suffer the penalty of destierro.

Ang concubinage o pakikiapid ng isang kasal na lalaki sa ibang babae ay isang krimen kung saan ang pinaparusahan ay ang kanyang pagbabahay sa kabit sa mismong bahay ng mag-asawa, o pagkakaroon ng eskandalosong sekswal na relasyon sa kabit o pagbabahay sa ibang lugar kung saan sila ay nagpapakilala na legal husband and wife. Ang mahalagang evidence ng concubinage ay ang picture o video kung saan makikita na ang lalaki at ang kanyang kabit ay magkasama sa isang bahay at mga witnessess na magtetestify tungkol sa kanilang pagsasama. Ang parusa ng lalaki ay prision correcional o pagkakakulong ng 6 months and 1 day to 6 years ngunit ang parusa sa kabit ay destierro o pagpapapaalis o pagbabawal sa kanya na pumunta sa municipality kung saan nandoon ang pamilya ng lalaki o babaeng asawa. Samakatuwid, ang kabit ay hindi makukulong.

Ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi nangangahulugan ng kasong concubinage. Kung kaya ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi agad matatawag na concubinage dahil hindi ang pagkakaroon ng anak sa kabit pinaparusahan ng batas kundi ang pagbabahay ng kabit. Ganun din, ang concubinage ay hindi ground sa annulment dahil hindi ito nakalagay sa Family Code bilang ground. Ang adultery at concubinage ay private crimes na ibig sabihin na hindi ito maiisampa sa korte kung wala ang kooperasyon ng asawang biktima.

Kung walang ebidensiya na binabahay ang mistress sa bahay nila o nagkaroon ng sexual in*******se under scandalous circumstances, pwede pa rin na kasuhan ang mister kung paulit-ulit ang pambababae. Alam nyo ba na ang repeated marital infidelity ng isang lalaki o paulit-ulit na pambababae ay maituturing na isang krimen na psychological abuse or psychological violence under R.A. 9262. Ang Republic Act 9262 or the "Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004โ€ ay nagdefine sa psychological violence ay anumang gawain ng lalaki na nagdudulot ng mental or emotional suffering sa babae katulad ng intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse o pagmumura at MARITAL INFIDELITY o pambababae x x x.

Sa mga gusto ko magsampa nang kaukulang kaso ihanda mga dokumento at ebidensya at dumulog sa isang pribadong abogado o sa Public Attorneys office o PAO . Magandang Morning sa lahat โ™ฅ๏ธ

" BATAS KAALAMANPag usapan natin Ano Ba saklaw at Sinasabi sa Ilalim ng Batas nang Tenant o Caretaker ng isang Lupain, T...
14/10/2022

" BATAS KAALAMAN

Pag usapan natin Ano Ba saklaw at Sinasabi sa Ilalim ng Batas nang Tenant o Caretaker ng isang Lupain, Tara po pag usapan po natin, ito'y napapanahon, tara at tatalakayin ng BATAS NI AMIGO online ngayon.. Ang sinangguni sa atin ng nagtatanong na kababayan po natin sa baba..

Batas Republika Bilang 1199

-Ang dalawang partido ay sumang-ayon sa pamamahala sa lupang sakahan.

Sa Pagsasaka may tinatawag po tayo na "Tenancy Relationship' ito ay ang..

Ang kasunduan ay mapagsasawalang bisa kung isinuko ng nangungupahan ang lupa, o pagkamatay, o kawalang-kaya ng nangungupahan.

-Ang bunga ay hinahati sa pagitan ng maylupa at mga nangungupahan sa proporsyon base sa kanilang kontribusyon.

Marami pa tayong Batas na puwede magamit ito ay ang Agricultural Tenancy Act ng Pilipinas,

Agricultural Tenancy Act of the Philippines
Ang kontrata ng nangungupahan at ng maylupa ay maaring ipagpatibay gamit ang salita o sulat, tuwiran o ipinagpahiwatig. Kapag ang kasunduan ay itinatag, ang nangungupahan ay may karapatan sa security of tenure.

Kung ang batas na ito ay maipagpapatupad ng mahigpit, ang mga magsasaka ay magiging sabik sa pagtatanim sa lupang sakahan dahil siya ay nakakakuha ng sapat na benepisyo galing dito.

Meron din po tayong tinatawag na :

" Security of Tenure"

-ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa, at hindi basta basta pwede sila paalisin sa kanilang lupaing sinasaka o inaalagaan, bagkus sila ay pwedeng mag may ari nang porsyon nang lupa na kanilang sinasaka o inaalagaan at dapat kung sila ay nagpapagal nagpapakapagod para alagaan, linangin ang lupang sinasaka o Farm ay pati lahat ng produkto na kaniyang itinanim ay may karapatan syang tamasahin po ito at dapat nyang maenjoy bilang caretaker o tenant . Pwede lang palayasin o paalisin kung yuong pag aari ng lupa nyang sinasaka o farm ay kanya itong pinababayaan na at hindi n sya produktibo kumbaga.

P.. S.. Pwd din po kayo dumulog sa Malapit na opisina ng Dept of Agrarian po para magkaroon kayo ng mediation conciliation saiyong reklamo at hinaing po..

Ang kasiguruhan, sa ilalim ng batas, na hindi basta-basta matatanggal sa trabaho o empleyo at isang manggagawa kundi't mayroong karampatang kadahilanang ayon sa batas at matapos dumaan sa karampatang proseso

Ang batas na ito ay nagkukulang sa ganang akin nang pagpapatupad nito, , sana naman ay tinututukan ang mga tenant o nagsasaka nang mga awtoridad gaya ng DA ( Dept of Agrarian , at Dept of Labor) ang mga caretaker para naman sila ay mabigyan ng sapat na kaalaman pa ukol dito. Sana ay nalinawan po kayo saiyong problema ,ingat po kayo at Wag lumabag sa Batas, To God Be all the glory po๐Ÿ™

 โ™ฅ๏ธLOVE : The Greatest Commandment...Love is when you think less of yourself and more of others. And when you do good th...
10/09/2022

โ™ฅ๏ธ

LOVE : The Greatest Commandment...

Love is when you think less of yourself and more of others. And when you do good things, you do them less for yourself and more for others...

The greatest test of love is when it is asked of you, you give it, you share it without any reservation nor condition, without any heavy feeling nor regret.. it just naturally flows from the heart to whoever needs to receive it.

In Old Testament ; says, โ€œthe real measure of love is love without measure.โ€

Let the will of GOD be done๐Ÿ™

I'm not Feeling Well  Po , Mga Amigas AMIGOS ko at Mga Kababayan ,Sorry Po ah ,Hindi ko Po masasagot marereplayan Po mga...
08/09/2022

I'm not Feeling Well Po , Mga Amigas AMIGOS ko at Mga Kababayan ,Sorry Po ah ,Hindi ko Po masasagot marereplayan Po mga Katanungan Nyo Po na ipinapadala sa inbox Ng Fb Page ko Po ,I'm SICK ๐Ÿ˜ช๐Ÿ˜ช๐Ÿ˜ชโœŒ๏ธPls include me on. Your Prayers & Devotion , For my safe recovery and healing ,Thank you ๐Ÿ™๐Ÿ˜”

" BATAS KAALAMAN'" Walang Pambayad sa Ospital ang isang Pasyente ?? Ano Dapat Pong Gawin? Ito po ang Tatalakayin at Pag ...
29/08/2022

" BATAS KAALAMAN'

" Walang Pambayad sa Ospital ang isang Pasyente ?? Ano Dapat Pong Gawin?
Ito po ang Tatalakayin at Pag uusapan po natin ngayon.

(1) Mayroon po bang BATAS para promoprotekta kung ikaw ay isang hikahos at nataon na natapat sa Kagipitan,at Wala kang Kapera pera?Tapos gusto mo ng ilabas pasyente mo na nakalagak sa isang pam pribadong ospital, at Sandamakmak na at Apaw na Hospital Billings or Statement of Account, Ano nga bang sinasabi at pinapaliwanag susog sa ilalim ng Batas?

- Kung nangangailangan na ng agarang atensiyong medikal, o di kaya ay nasa tamang kondisyon na upang makalabas ng ospital pero walang pambayad, mayroong ilang batas na maaaring sandalan.

Kapag magaling na ang isang pasyente at nabigyan na ng doktor ng permiso upang ma-discharge sa ospital, hindi na maaaring pigilan ng kahit sinong opisyal o empleyado ng ospital ang paglabas nito.

Hindi rin maaaring i-hostage ang isang bangkay Ng pasyente dahil lamang sa hindi pa nababayaran ng mga kamag-anak nya ang bills sa ospital.

Ito ay ayon sa batas na Republic Act 9439 o ang Anti-Hospital Detention Act na naglalayong protektahan ang mga hikahos sa buhay mula sa mga mananamantala. Maaari kasing mabaon pa sa utang ang mga pasyenteng pinananatili roon dulot ng kakulangan sa pera dahil sa dadagdag pa sa kanilang bayarin ang mga susunod na makokonsumo sa ospital.

Ngunit kailangan munang magbigay ang pasyente o ang namatayan na kamag-anak ng isang 'Promisory Note' o Sulat na nagbibigay ng kasiguruhan sa ospital na mababayaran rin ang bill sa ospital.

"Hindi din po kailangan na magbayad pero kailangan na ikaw ay magbigay ng tiyak na pangako na ikaw ay magbabayad,"

Matapos magbigay ng" Promisory Note", maaari nang bigyan ng medical certificate ang pasyente o death certificate ang namatayan. Maipoproseso na rin pati ang mga angkop na dokumento upang mai-release siya mula sa ospital.

Hindi po sakop ng batas ang mga pasyenteng piniling manatili sa isang pribadong kuwarto.

"Kasi ipinagpapalagay ng batas na kung kaya mong magbayad ng private room, hindi ka dapat makinabang sa batas na ito," di po ba?

Subalit, kung puno na ang ward at tanging private room na lang ang maaaring gamitin, kaya pa ring proteksiyunan ng batas na ito ang pasyente.

"Kung pagbabatayan natin ang layunin ng batas, mukhang papasok pa rin siya sa proteksiyon ng batas, kasi hindi naman niya pinili na mas maganda ang kuwarto... Call na iyan ng ospital dahil hindi naman puwede kang ipagtabuyan dahil meron naman tayong batas na kung kinakailangan siyang bigyan ng lunas at di pa talaga siya dapat i-discharge o bigyan ng permisong makalabas, kailangan talaga siyang makatanggap ng pag-aalaga o pagbibigay lunas ng ospital,".

Hindi rin kasi maaaring tanggihan ng isang pampubliko o pribadong ospital o klinika ang isang pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal, lalo na kung nasa bingit ng kamatayan, o may panganib na malumpo, mamatay, o magkaroon ng pangmatagalang disability, ayon sa Republic Act 10392 na nag-aamyenda sa Anti-Hospital Deposit Law.

: Multa sa ospital na inuuna ang bayad kaysa lunas, itinaas na yan.
Dahil dito, ipinapayo ko po sainyo na alamin talaga kung sa anong uri ng kuwarto ipinapasok ng ospital ang pasyente nang malaman kung sakop o hindi ng nasabing batas.

Pakatandaan ninyo din po,, hindi rin maaaring magpaalis agad ang doktor ng isang pasyente sa ospital hangga't hindi ito gumagaling dahil may sinumpaang tungkulin ito na magbigay ng tamang payong medikal.

"Kung pinayagan ka nilang lumabas ng ospital, pinaninindigan nilang wala na talgang mangyayari sa iyo at kaya mo nang gawin ang lunas o patuloy na pag-aalaga sa pasyente sa bahay."

Sana magsilbi po itong sandigan ninyo lalo na sa panahon na krisis at Madaming Biktima at Nakakaranas ng Pang aabuso sa mga karapatan ng ating kababayan.. Wag naman po natin pagsamantalahan ang kahinaan at kakuiangan sa Kaalaman sa Batas ang iba lalo na po itong mahihirap na tinatawag nating nasa laylayan o mga indigenous people.
Magandang Umaga po sainyong lahat, Ingat po kayo parati, To God be all the Glory ๐Ÿ™

๐Ÿ‘

Coming Very  Soon Mga Ka AMIGAS AMIGOS KO  ๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช ..Ang Pagbabalik sa Himpapawid ,Nang BATAS NI AMIGO ,Ang nag iisang Paral...
28/08/2022

Coming Very Soon Mga Ka AMIGAS AMIGOS KO ๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช ..Ang Pagbabalik sa Himpapawid ,Nang BATAS NI AMIGO ,Ang nag iisang Paralegal Investigative Online RADIO TELEVISION SHOW nang Bicolandia ๐Ÿ™

Address

Tabaco
4511

Telephone

+639277673632

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BATAS NI AMIGO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to BATAS NI AMIGO:

Share

Category