Ang Bantay

Ang Bantay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Bantay, News & Media Website, Ligao-Tabaco Road, Tabaco.

Pagbati sa lahat! 🏆🥉👏🏻
04/11/2024

Pagbati sa lahat! 🏆🥉👏🏻

PLUMA: 𝐏amamahayag ang 𝐋ingap 𝐔pang 𝐌amamahayag ay 𝐀ngatNamayagpag ang Project PLUMA ng Ang Bantay bilang bahagi ng pags...
20/10/2024

PLUMA: 𝐏amamahayag ang 𝐋ingap 𝐔pang 𝐌amamahayag ay 𝐀ngat

Namayagpag ang Project PLUMA ng Ang Bantay bilang bahagi ng pagsasanay ng mga mamamahayag sa darating na DSPC na gaganapin ngayong Oktubre 25, 2024. Sinanay ng mga mahuhusay na tagapanayam ang mga manunulat ng Ang Bantay sa ibat- ibang kategorya tulad ng Pagsulat ng Editoryal at Kolum, Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Agham at Teknolohiya at Paglalarawang-tudling.

PLUMA: 𝐏amamahayag ang 𝐋ingap 𝐔pang 𝐌amamahayag ay 𝐀ngatIbinahagi ni Bb. Yra Felizze S. Barallas ang kaniyang kaalaman t...
13/10/2024

PLUMA: 𝐏amamahayag ang 𝐋ingap 𝐔pang 𝐌amamahayag ay 𝐀ngat

Ibinahagi ni Bb. Yra Felizze S. Barallas ang kaniyang kaalaman tungkol sa pagsulat ng lathalain para sa mga manunulat ng Ang Bantay sa naganap na worksyap nitong Oktubre 12 sa silid ng 12 GAS A. Layunin ng nasabing worksyap ang magsanay ng mga mamamayahag para sa nalalapit na Division Schools Press Conference.

Kuhang larawan ni: David Keith Binza

HETO NA!Sa sandaling ito, kami ay lubos na nagagalak na ipahayag sa inyo na matagumpay nang nailimbag ang inyong pahayag...
29/05/2024

HETO NA!

Sa sandaling ito, kami ay lubos na nagagalak na ipahayag sa inyo na matagumpay nang nailimbag ang inyong pahayagan, Ang Bantay.

Ang "Ang Bantay" ay ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus at Pangkomunidad ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Bantayan sa Filipino.

Sa bawat pahina ng pahayagan, matutunghayan ang husay at talento ng mga manunulat na naglaan ng oras at pagsisikap upang mabigyan ng tamang impormasyon ang kanilang mga mambabasa. Ang kanilang dedikasyon sa larangan ng pagsusulat ay nagbubunga ng mga artikulo na puno ng kaalaman, kapani-paniwala, at may layuning magbigay-linaw sa iba't ibang isyu at usapin sa ating lipunan.

Huwag sayangin ang pagkakataong mabasa ang pahayagang nailimbag ng Ang Bantay. Sundan ang link sa ibaba at sasamahan namin kayo sa inyong paglalakbay sa mundo ng impormasyon at kaalaman!

Link:
https://drive.google.com/file/d/1IvLQvHI-G7wWv8uFT0-_vHvYjZyHXD5Y/view?usp=sharing

Sa muli, nandito na ang "Ang Bantay" para sa Patas na Pagmatyag sa Katotohanan.

BUNGA NG PAGPUPURSIGE. Hindi nasayang ang mga araw ng pagpupuyat at pagpapagod sa pagsulat ng mga mag-aaral mula sa Mata...
10/05/2024

BUNGA NG PAGPUPURSIGE. Hindi nasayang ang mga araw ng pagpupuyat at pagpapagod sa pagsulat ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Bantayan nang masungkit ng ANG BANTAY, opisyal na pahayagan sa Filipino, ang tatlong karangalan sa iba't ibang kategorya sa kompetisyon ng pahayagang pampaaralan sa Regionals Schools Press Conference na ginanap sa Lungsod ng Iriga, Camarines Sur.

Tinanggap ni Bb. Christine B. Nevarez ang sumusunod na mga parangal nitong Mayo 9, 2024:

Ikapitong Puwesto - Pahinang Lathalain
Ikasampung Puwesto - Pahinang Pampalakasan
Ikapitong Puwesto - Pag-aanyo at Disenyo ng Pahina

Address

Ligao-Tabaco Road
Tabaco
4511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bantay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share