13/04/2026
Ipon Tips📝💸🧾
✨ 1. Ihiwalay ang “Needs” at “Wants”
Unahin ang bills, pagkain, at needs ng pamilya bago luho. Tanungin ang sarili: Kailangan ko ba talaga to?
✨ 2. Mag-set ng Monthly Budget (at sundin ito!)
Gumawa ng simpleng listahan kung saan napupunta ang pera bawat buwan para iwas overspending.
✨ 3. Magtabi agad ng Savings (kahit maliit)
Kahit 500 or 1,000 pesos per padala, malaking bagay yan pag tumagal. Consistency is the key!
✨ 4. Iwas impulsive buying (lalo na online 😅)
Tip: Maghintay ng 24 hours bago bumili. Madalas, mawawala rin ang urge.
✨ 5. Magluto kaysa mag-order
Mas tipid at mas healthy pa. Bonus pwede mong i-content sa page mo 😉
✨ 6. Emergency Fund is a MUST
Maghanda para sa biglaang gastos medical, repair, or anumang emergency.
✨ 7. Maghanap ng maliit na pagkakakitaan.
Kung may time, try online selling, content creation, or sideline para may sariling income.
✨ 8. Communicate with your husband about finances.
Importante ang teamwork kahit magkalayo. Planuhin ninyo ang goals bahay, negosyo, o savings.
💬 Tandaan: Hindi kailangang malaki agad ang ipon, ang mahalaga tuloy-tuloy.
📌 Bilang seaman’s wife, ikaw ang “captain” ng finances habang wala si hubby. Kaya mo ‘yan!