07/10/2025
๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ, ๐๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
โ
โMuling isinulat ng Ang Tanod at The Vanguard ang pahina ng tagumpay matapos tanghaling overall champion sa sekundaryang antas ng Division Schools Press Conference (DSPC) 2025 na ginanap noong Oktubre 4โ5, 2025.
โ
โSa loob ng dalawang araw ng masidhing labanan, ipinakita ng mga batang mamamahayag ng Tabaco National High School na ang panulat ay sandata ng katotohanan, at ang boses ng kabataan ay patuloy na lumalakas sa bawat artikulong isinusulat at balitang ipinapahayag.
โ
โAng bawat tuldok ng tinta ay patunay ng kanilang pagsisikap; ang bawat pahina ay larawan ng pagkakaisa at diwa ng tunay na pamamahayag. Sa kabila ng kaba, puyat, at pagod, nanaig ang tiwala at pagkakapit-bisig โ dahil sa TNHS, ang bawat manunulat ay hindi lamang kalahok, kundi tagapagdala ng dangal.
โ
โAng tagumpay na ito ay alay sa bawat g**ong gumabay, bawat coach na umalalay, at bawat batang mamamahayag na piniling magsilbi sa katotohanan.
โ
โMabuhay ang ๐ง๐ต๐ฒ ๐ฉ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ at ๐๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ฑ!
โ
โAng inyong tagumpay ay hindi lamang panalo ng paaralan, kundi panalo ng bawat batang naniniwala sa kapangyarihan ng katotohanan. ๐โจ
โ
โTeksto ni | ๐๐ด๐ฉ๐ญ๐ฆ๐บ ๐๐ข๐บ๐ฆ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฅ๐ขรฑ๐ข
โDisenyo nina | ๐๐ป๐ฆ๐ฌ๐ช๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฆ & ๐๐ป๐ณ๐ข๐ฉ ๐๐ฆ๐ฆ๐ฏ ๐๐ธ๐ฐ๐จ๐ฐ๐ธ๐ฐ๐จ