30/10/2025
DPWH-Lower Kalinga, nakahanda na para sa “Lakbay Alalay”motorist assistance ngayong Undas 2025
Handa na ang DPWH–Lower Kalinga District Engineering Office sa pagpapatupad ng “Lakbay Alalay”program mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, 2025 upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay ng mga motorista sa paggunita ng All Saints' at All Souls' Day o Undas 2025.
Ayon kay maintenance chief Engr. Generoso Mukay ng DPWH Lower KDEO, tatlong assistance stations ang itatatag sa mga sumusunod na lugar: Spring Section (Manual S. Agyao Boulevard), Talaca Section (Nambaran–Isabela Road), at Damsite Section (Mt. Province boundary–Calanan–Pinukpuk–Abbut Road).
Kaugnay nito, pinaalalahanan niya ang mga contractors na maglagay ng warning at safety signages sa mga ongoing projects at delikadong bahagi ng kalsada tulad ng sinking sections at road washouts upang maiwasan ang anumang insidente.
Layon ng programa na magbigay ng agarang tulong, masiguro ang road safety, at mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko sa panahon ng okasyon o obserbasyon tulad ng Undas.
-adb