17/08/2026
๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง: ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ -๐๐ข๐๐๐ซ ๐๐ญ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ -๐๐ญ๐ฅ๐๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐-๐๐๐
Nagtipon-tipon ang komunidad ng Leyte Normal University - Integrated Laboratory School para sa isang Seremonya ng Pagtataas ng Watawat noong Agosto 17, 2026, sa ganap na 7:30 ng umaga sa Youngfield Campus.
Tampok sa seremonya ay ang pagpanguna ng mga bagong halal na opisyal ng Integrated Student Council (ISC), kung saan mula sa panalangin, mga panunumpa, pagbigkas ng Bisyon, Misyon, Core Values, at Quality Policy, ay binigkas at muling pinapaalala ang kahalagahan ng mga ito.
Ibinigay ni Prof. Lorena M. Ripalda, Direktor ng LNU-ILS, ang pormal na pagpapakilala sa mga Bagong Halal na Opisyal ng Integrated Student Council (ISC) pagkatapos nito at ipinakilala rin ang kanilang g**ong tagapayo na si G. Elvin E. Morante.
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด, ๐๐ฆ๐ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ!
Pangulo: Aia Zoufeiya A. Uribe
Bise Presidente (Sekondarya): Lyl Amber Inghoy
Bise Presidente (Elementarya): Idabelle Zoe W. Lim
Kalihim: Szae F. Leona
Ingat-Yaman: Sophia Ashley D. Baltazar
Tagasuri (Sekondarya): Eala Heart Cuayzon
Tagasuri (Elementarya): Dj T. Pacaanas
P.R.O. (Sekondarya): Kc B. Manidlangan
P.R.O. (Elementarya): Calven Dwayne Quiminales
Senador (Sekondarya): Althea Sabiel Surpia
Senador (Elementarya): Edward Ashlee Nartea
Upang maghatid ng masiglang umaga, sumayaw ang konseho sa awit ni Meghan Trainor na "Better When Iโm Dancin'," na nagdulot ng masigabong hiyaw mula sa mga mag-aaral.
๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ -๐๐ญ๐ฅ๐๐ญ๐
Nagpatuloy ang pagdiriwang nang kilalanin ang mga delegado ng district meet para sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa mga katatapos lamang na palaro.
Sa larangan ng ๐๐ฎ๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ, walang kahirap-hirap na nagwagi ng ginto ang buong koponan ng LNU-ILS at lahat sila ay nakatakdang lumaban sa city meet ngayong taon. Ang mga nagwagi ay sina:
๐ฅMiguel Lianver C. Estorninos (Flyweight โ Secondary Boys' Kyorugi)
๐ฅKein Theodore Urgel (Bantamweight โ Secondary Boys' Kyorugi)
๐ฅKyrie R. Glova (Elementary Boys' Poomsae)
Sa larangan naman ng ๐ฐ๐ต๐ฒ๐๐, nanguna si Hans sa pag-uwi ng ginto sa Secondary Boysโ Division, na sinundan ng ikaapat na pwesto mula kay Royce Christian Saavedra. Samantala, nakamit naman ni Simon ang pilak sa Elementary Boysโ Category.
Elementary Boys Category:
๐ฅSimon Elixir Baltar
Secondary Boys Division:
๐ฅHans Roi Miguel Espellarga
๐
Royce Christian Saavedra - Ikaapat na Pwesto
Sa ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป court, pinadapa ni Chadrick Lumeran ang kanyang mga kalaban sa Highschool Boysโ Singles matapos masungkit ang gintong medalya at kwalipikasyon sa City Meet, kasama si Rahjan Sabas na nakakamit ng pilak. Sa Highschool Boysโ Doubles, nag-ambag pa ng isa pang pilak para sa koponan sina Cailean de los Reyes at Sam Gabrielle Balderian.
Highschool Singles Boys:
๐ฅChadrick Lumeran (City Meet Qualifier)
๐ฅRahjan Sabas
Highschool Doubles Boys:
๐ฅCailean de los Reyes
๐ฅSam Gabrielle Balderian
Naghatid din ng mga kahanga-hangang puwesto sa podium ang mga kababaihan, kung saan nakakuha si Tatiana Canayong ng tanso sa Elementary Girlsโ Singles A, habang si Sophia Baltazar ay nag-uwi ng tanso sa Highschool Girlsโ Singles. Kumpleto ang hakot na medalya sa pag-angkin nina Micaella Hidalgo at Samantha Balderian ng tanso sa Highschool Girlsโ Doubles.
Elementary Girls Singles A:
๐ฅTatiana Canayong
Highschool Girls Singles A:
๐ฅSophia Baltazar
Highschool Doubles Girls:
๐ฅMicaella Hidalgo
๐ฅSamantha Balderian
Ipinapaabot din ng ILS ang kanilang pasasalamat at paghanga sa mga kaponan sa basketball at volleyball na lumahok din sa district meet.
Ang seremonya ay matagumpay na pinangunahan nina Bp. Charisse B. Gadaingan at Bp. Ma. Cara Tanya B. Princillo bilang mga tagapagdaloy ng programa.
Isang mainit na pagbati sa bagong ISC at sa lahat ng ating mga estudyanteng-atleta!
Padayon, Normalistas! ๐๐
Ulat ni Athena Sembrero
Litrato ni Richuel Matoza