17/10/2025
Kung minsan, marerealize mo lang kung gaano kahalaga ang empleyado mo…
kapag paalis na sila.
Naalala ko ’yung isang kliyente ko, si Anthony, may family-run printing business.
Twenty-five years na silang magkasama ng isang empleyado niya —
mula sa panahon ng lumang makina hanggang sa digital printers ngayon.
Tahimik lang daw lagi, hindi nagrereklamo, never nanghingi ng raise.
Pero isang araw, lumapit at nagpaalam.
"Boss, magreretire na po ako."
Sabi ni Anthony sa akin,
“Coach, doon ko lang naramdaman kung gaano kalaking parte ng negosyo ko yung taong ’yun. Hindi ko na nga alam kung paano ako magsisimula ulit.”
Ang mas mabigat?
Hindi pa pala siya financially prepared para sa retirement pay.
Kaya ang ginawa namin, minadali naming i-calculate gamit ang 5-Minute RPay Plan.
At kahit papaano, nakabuo siya ng paraan para maibigay pa rin yung nararapat sa empleyado.
Sabi niya,
“Di ko na naibabalik yung panahon, pero at least naipakita ko na mahalaga siya.”
At totoo nga.
Hindi pera ang halaga dito — kundi yung dignidad na naibabalik mo sa taong naglingkod sa’yo ng tapat.
Minsan, hindi mo kailangan maghintay ng retirement bago magpasalamat.
Pwede mong simulan ngayon — sa pamamagitan ng paghahanda.
Gusto mo bang makita kung paano namin ginawa ni Anthony yung 5-Minute RPay Plan para makahanap ng solusyon?
Comment “RPay” at I’ll share it with you.
Reyduard Gelera | Financial Planner | Coach | Estate Planner | Author | Mentor | Public Speaker