13/08/2026
Magin tukib! Aadi an importante nga mga detalye han ginbuhat nga press briefing yana nga adlaw, Agosto 13, 2026 kaupod hira Palace Press Officer ug PCO Usec. Claire Castro, Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, DSWD Undersecretary for Innovations and Program Development Eduardo Punay, Social Weather Stations (SWS) Vice President Gerardo 'Jay' Sandoval, SWS Research Fellow Roehlano Briones, ngan Globe Telecom Chief of Sustainability and Corporate Communications Officer Maria Yolanda Crisanto.๐
Narito ang mga mahahalagang detalye mula sa isinagawang press briefing ngayong Agosto 13, 2026 kasama sina Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, DSWD Undersecretary for Innovations and Program Development Eduardo Punay, Social Weather Stations (SWS) Vice President Gerardo 'Jay' Sandoval, SWS Research Fellow Roehlano Briones, and Globe Telecom Chief of Sustainability and Corporate Communications Officer Maria Yolanda Crisanto:
- Ipinahayag ng DSWD na kasalukuyang may 600,000 pamilyang Pilipino na ang nakikinabang sa Walang Gutom Food Stamp Program, kung saan target maabot ang kabuuang 750,000 na pamilyang itinuturing na "food poor."
- Iniulat ng Social Weather Stations (SWS) na bumaba ang prevalence ng gutom mula 33.6% patungong 26.9% (pagbaba ng 6.7%) sa mga lugar na sakop ng Walang Gutom Program matapos ang wave two ng kanilang survey.
- Namahagi ang pamahalaan ng PHP 2,000 cash top-up para sa bawat benepisyaryo ng Walang Gutom program bilang karagdagang tulong sa ilalim ng UPLIFT assistance na inaasahang matatapos hanggang Agosto 14. Binigyang-diin nina Secretary Rex Gatchalian at Maria Yolanda Crisanto ng Globe na prayoridad ng programa ang mga buntis at lactating women upang labanan ang child stunting na nakakaapekto sa isa sa bawat apat (25%) na batang Pilipino.
- Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Agosto 12 ang Baclaran River at Diokno Pumping Station upang personal na makita ang sitwasyon ng basura na nagdudulot ng pagbaha sa Metro Manila.
- Ipinag-utos ng Pangulo kina Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon at Metro Manila Development Authority Chairman Don Artes ang agarang paglilinis at patuloy na desilting ng mga waterway sa ilalim ng Oplan Kontra Baha.
- Naitala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang koleksyong umabot sa higit PHP 2 trilyon mula Enero hanggang Hulyo 2026, na mas mataas ng PHP 102.6 bilyon kumpara sa parehong panahon noong 2025.
- Pinaplano ng DSWD ang pagpapalawak ng Walang Gutom Kitchens (soup kitchens) upang magkaroon ng anim na pasilidad ngayong taon, kabilang ang mga bagong bubuksan sa Caraga region at iba pang mga lugar na may mataas na insidente ng gutom.
- Iminungkahi ng DPWH ang pagpapatayo ng 16 na bagong evacuation centers ngayong 2026 at karagdagang 32 sa 2027 bilang bahagi ng implementasyon ng Ligtas Pinoy Act.
- Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong g**o na iwasan ang paggawa ng online content na gumagamit sa mga mag-aaral o lumalabag sa ethical standards ng kanilang propesyon.
- Binigyang-diin ni Undersecretary Claire Castro na ang iminumungkahing 2027 National Budget ay nakatutok sa edukasyon, imprastraktura, at social services tulad ng Walang Gutom project, taliwas sa mga kritisismong nagsasabing ito ay anti-poor.