08/07/2025
To All Parents & Kids Consumer po Ako nito Lalo na Noong After Typhoon Yolanda at mga sumunod na taon. BE AWARE by Samaritan's Purse, Leyte-Teacher Charlene
FOR AWARENESS PARA SA LAHAT: MINSAN, ANG KASARAPAN SA NGAYON AY KAPALIT NG PAGHIHIRAP SA HULI‼️‼️‼️
Minsan talaga, hindi natin agad nararamdaman ang epekto ng mga bagay na paulit-ulit nating ginagawa. Katulad na lang ng pagkain ng mga instant noodles tulad ng Pancit Canton o Extra Big noodles, mura, masarap, at madaling lutuin. Pero sa kabila ng sarap, may mga panganib itong dala sa katawan, lalo na kung hindi tayo marunong maglimit ng sarili.
Ang kapatid ko, isa ring biktima ng ganitong kasanayan. Paulit-ulit ko siyang sinasabihan, “Wag masyado, bawal sa’yo yan,” pero syempre, sa murang edad o sa kagustuhang mapunan ang gutom agad-agad, nakakalimutan nating pakinggan ang paalala. Hanggang sa isang araw, bigla na lang siyang sumakit ang tiyan ng sobra. Hindi na siya makatayo ng maayos, hindi makakain, hindi makatulog.
Dinala namin agad sa ospital. Ang resulta: Acute Appendicitis.
Nung narinig ko ‘yun, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa itong mangyari. Pero sa kabila ng kaba, takot, at pag-aalala, isang bagay ang malinaw: ito na ang pagkakataon para matutunan ang leksyon.
Hindi lahat ng masarap ay dapat abusuhin. Hindi lahat ng mura ay walang kapalit.
Mabuti na lang, sa awa ng Diyos, naging maayos ang operasyon. Tinanggal na ang appendix ng kapatid ko, at unti-unti na siyang nakaka-recover. ALHAMDULILAH, isang salita ng pasasalamat, dahil hindi naging malala ang lahat. Pero gaano karami pa kayang kabataan o magulang ang kailangang dumaan sa parehong sitwasyon bago tayo matutong mag-ingat?
Kaya sa inyo na nagbabasa nito ngayon paalala lang po. Hindi ito para takutin kayo, kundi para gisingin. Totoo pong masarap ang pancit canton, lalo na kapag gutom na gutom ka na, pero kapag sobra-sobra, maaaring magdulot ito ng problema sa tiyan, bato, at iba pang bahagi ng katawan. Lalo na kung halos araw-araw na ito ang kinakain.
Mas masarap pa rin ang buhay na malusog. Mas masarap pa rin ang katawang walang iniindang sakit.
Kung meron kang mahal sa buhay na palaging kumakain ng instant noodles, kausapin mo. Sabihin mong mahal mo siya kaya mo sinasabi. Hindi ka KJ, hindi ka OA, nag-aalala ka lang. Kasi minsan, isang simpleng paalala ang pwedeng magligtas ng buhay.
At kung ikaw naman ito nakakabasa ngayon, at alam mong araw-araw ka ring kumakain ng instant noodles please, hinay-hinay lang. Mahal ka namin. Mahalaga ka. Sayang naman ang ganda ng buhay kung mapuputol ito dahil sa pagkain na pwede namang bawasan.
Ang kalusugan ay yaman. Hindi natin kailangan maging mayaman para maging healthy. Minsan simpleng sabaw ng gulay, kanin at pritong itlog mas ligtas pa kaysa sa processed na pagkain.
Magtulungan tayo. Magsimula tayo sa bahay. Magsimula tayo sa sarili.
Kasi sa huli, buhay mo pa rin ang nakataya
•Content Reference and Photo Courtesy: Daddy Louie
Minsan nakakaguilty kasi ako personally naging adik din ako sa pancit canton na yan nong high school at college days ko kaya ngayon hanggat maari hindi na ako kumakain niyan🙄
CTTO