Ikhlas Tacloban Association Inc.

Ikhlas Tacloban Association Inc. IKHLAS Tacloban (Islamic Knowledge for Humanity and Livelihood Association) S.E.C. #.:CN201718805

25/07/2025
Barakallahu Fikum!
21/07/2025

Barakallahu Fikum!

Assalamu Alaykum Wa Rahmatullah Wa Barakatuh!

THE 11TH MABEET PROGRAM AT MASJID HIDAYAH, BARANGAY NULA-TULA SALAAM COMPOUND, TACLOBAN CITY, FROM 19-20 OF JULY 2025.

Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo sa ating programang “The 11th MABEET” na naganap sa Alhidayah, Barangay Nula-tula, Tacloban City. Ang aking taos pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo at Admin ng Masjid Al-Hidayah kay Chairman Sultan Esmael Mesug at kay Custom Noaem Calauto Tamano gayundin naman sa mga Datu Luks natin na sila Datu Imam Palao Bangcola kay Datu Vice Abdullah Dimaampao at kay Datu Faisal M. Doronan. Pasasalamat ng marami lalo na sa mga nag KHIDMAT samin mula simula hanggang katapusan sa pangunguna nila Datu Hajji Naim Pascan, Datu Camal Comaradang, Datu Alim Mesug, Datu Aliodin Manan gayundin din naman sa kanilang Grand Imam na si Ustadh Jamal Alim Mayo at gayund din kay Ustadh Fahad Quinto. Taos pusong pasasalamat din sa mga hindi nakadalo ngunit lageng nakasuporta sa ating mga programa kay Pres Kaliff Kho at kay Doctor Armand Manijas. Malaking pasasamat din sa Salaam Police sa pangunguna ni Sir Abdullah Bajade ng (TCPO) Tacloban City Police Office at gayundin sa (SPAG) Salaam Police Advocacy Group Region 8 Chapter sa kanila pagbibigay siguridad sa ating programa. Tunay na ang inyong mainit na pagsuporta at pagtanggap samin ay hindi matatawaran at nakakataas ng moral.

Maraming salamat sa Jama’ah ng Masjid Alhidayah sa Nula-tula sa kanilang pagdalo at pang-unawa samin lalo na ang mga nasa paligid na bahay ng Masjid dahil malakas ng boses namin sa lectures at halos 1am na kami natapos, gayundin naman sa Jama’ah ng Ormoc City, sa Jama’ah ng Hilongos, Hinunangan, Hinundayan, Libagon kay Bro Haroon at sa buong Jamaah ng Southern Leyte, Maraming salamat din sa Jama’a ng Javier Leyte sa pangunguna ni Konsehal Mohammad Dansoi Meras, sa Jama’ah ng Abuyog Leyte, sa Mayorga Leyte, sa MacArthur Leyte, sa Jama’ah ng Dulag Leyte, sa Jama’ah ng Palo Leyte sa pangunguna ni Bapa Jalal Mnlng Mcbngn at Bapa Nahdi Dimaporo Khom Kho Teng sa Jama’ah ng Naval Biliran, sa Jama’ah Pastrana Leyte, sa Jama’ah ng Babatngon Leyte. Maraming salamat din sa dumalo mula sa Jama’ah ng Samar kahit malayo sa inyo ay mayron paring dumalo sa ating pagtitipon, gayundin naman sa Jama’ah ng Tacloban City. Maraming salamat din sa lahat ng organizers at coordinators na tumulong upang mapadali ang programang ito at sa mga Ustadh ng IKHLAS Dawah Team na dumalo at nagbahagi ng kanilang kaalaman at oras, gantimpalaan nawa kayo ni Allah ng kanyang Jannah..Ameen

Gayundin naman ang aming pasasalamat sa ating mga sponsor, kay Konsehal Mohammad Dansoi Meras sa kanyang palagiang pag sponsor ng T-shirt sa lahat ng participants, sa nagbigay ng bigas at nag sponsor sa aming mga pinamigay na raffles. Gantimpalaan nawa kayo ni Allah ng kabutihan dito sa Mundo lalo’t higit sa Kabilang-buhay..Ameen.

Barakallahu Fikum Wa Jazakumullahu Khairan!

Maraming salamat sa inyong pagtitiwala bilang AMIR ng DU’AT COUNCIL REGION 8.

Ust. Ismael Cacharro
Amir, Duat Council of Region 8




BUKAS NA PO ITO MGA MAHAL NA KAPATID IMBITADO PO LAHAT!Ang arrival po natin ay nabago dapat after Salah ng Dhuhur bukas ...
18/07/2025

BUKAS NA PO ITO MGA MAHAL NA KAPATID IMBITADO PO LAHAT!

Ang arrival po natin ay nabago dapat after Salah ng Dhuhur bukas Saturday July 19 ay nandun na po tayo sa venue dahil pagkatapos po agad ng salah ng Asr ay magsisimula po tayo.

Sa mga hindi alam ang locatiob ng venue maaari po kayong dumeretso sa IKHLAS dito sa opisina at ihahatid namin kayo doon sa venue inshaAllah.

Magkita-kita po tayo bukas mga mahal na kapatid!
————————————————

THE 11TH “MABEET” IN TACLOBAN CITY.

Excited naba tayong lahat mga mahal na kapatid?!

Ang DU’AT COUNCIL OF REGION 8 at IKHLAS DAWAH TEAM ay malugod na nag-iimbita na dumalo at sumali sa ating gaganaping “The 11th MABEET sa Tacloban City”. Kasama ng Duat Council of Region 8 at ibat ibang-ibang Organization, Islamic Center at mga Jama’ah dito sa Eastern Visayas, halina’t matuto sa ating pananampalataya at magpalakas ng ating “Iman” at makasama ang kapatiran mula sa iba’t ibang lugar dito sa Region 8. Ito po ay gaganapin ngayong darating na 19-20 ng July 2025 (Saturday-Sunday) sa Masjid sa Masjid Alhidayah sa Brgy. Nula-tula, Tacloban City.

Magdagdag ng kaalaman sa Islam at palakasin ang Iman at palakasin ang kapatiran dumalo sa ating pagtitipon at makasama ang kapatiran sa Region 8.

Welcome po lahat ng ating kapatiran, magkita-kita po tayo mga mahal na kapatid!

For more info plese contact:

1- Ustadh Fahad: 09855921638
2- Ustadh Khalid: 09706691972

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGTIWALA SAMIN!Nabili na po natin ang sasakyan na ating inanunsyo sa DONATION DRIVE na ...
10/07/2025

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGTIWALA SAMIN!

Nabili na po natin ang sasakyan na ating inanunsyo sa DONATION DRIVE na nais mabili para sa MULTI-PURPOSE natin na gagamitin. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tumulong financially malaki man ito or maliit at sa lahat ng idea or panalangin na makompleto ang layunin na ito. Hindi na po namin isa-isahin sa pagpapasalamat ang lahat ng sumuporta samin at tumulong si Allah na lamang po ang bahalang magbigay sa inyo ng gantimpala. Asahan niyo po ang biyaya at gantimpala mula kay Allah sa lahat ng mga dawah activities na magagamit namin itong sasakyan na ito.

Maraming salamat pong muli sa tiwala at suporta ninyo samin, Barakallahu Fikum Wa Jazakumullahu Khairan!

10/07/2025

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGTIWALA SAMIN!

Nabili na po natin ang sasakyan na ating inanunsyo sa DONATION DRIVE na nais mabili para sa MULTI-PURPOSE natin na gagamitin. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tumulong financially malaki man ito or maliit at sa lahat ng idea or panalangin na makompleto ang layunin na ito. Hindi na po namin isa-isahin sa pagpapasalamat ang lahat ng sumuporta samin at tumulong si Allah na lamang po ang bahalang magbigay sa inyo ng gantimpala. Asahan niyo po ang biyaya at gantimpala mula kay Allah sa lahat ng mga dawah activities na magagamit namin itong sasakyan na ito.

Maraming salamat pong muli sa tiwala at suporta ninyo samin, Barakallahu Fikum Wa Jazakumullahu Khairan!

Address

Tacloban City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ikhlas Tacloban Association Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ikhlas Tacloban Association Inc.:

Share

Category