08/12/2025
Assalamu Alaykum Wa Rahmatullah Wa Barakatuh!
THE 12TH MABEET PROGRAM AT HAYAHAY BAYVIEW BEACH, TOMAS OPPUS, SOUTHERN LEYTE
6-7 OF DECEMBER 2025
Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo sa ating programang “The 12th MABEET Program” na naganap sa Hayahay Bayview Beach,Tomas Oppus , Southern Leyte.
Ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumubuo Duat Council of Region 8 sa IKHLAS Dawah Team at sa IDM (Islamic Dawah Motivation) sa kanilang pangunguna upang maisakatuparan at maging matagumpay na programang ito. Taos pusong pasasalamat din sa mga hindi nakadalo ngunit palagiang nakasuporta sa ating mga programa kay Ustadh Fahad, Ustadh Saad, Ustadh Yusuf sa pawang nasa Saudi Arabia ngayon at kasalukuyang nag-aaral, sa kabila ng sila ay nasa malayo ay nagagawa parin nilang sumuporta sa ating programa sa abot ng kanilang kakayahan. Maraming salamat din kay Doc Armand Manijas at kay Konsehal Muhammad Meras na kahit na sila ay hindi rin nakadalo at patuloy ang kanilang suporta sa ating programa. Malaki din ang aming pasasamat sa Salaam Police kay Sir Nasri Abdurrahem na palagian din nandiyan para sa kaligtasan at gayundin sa (SPAG) Salaam Police Advocacy Group, Region 8 Chapter, sa pamumuno ni Chairman Ismael Mesug at kay Noralden Haji Jalal Sultan ang SPAG President ng Leyte Chapter na mismong dumalo sa ating programa. Tunay na ang inyong mainit na pagsuporta at at pagtulong samin ay hindi matatawaran at nakakataas ng moral.
Gayun din naman ang aming personal na pasasalamat sa IDM (Islamic Dawah Motivation) sa pangunguna ni Ustadh Musa Madrona sa kanilang pag sponsor sa venue ng atin programan. Isang pasasalamat din sa Jama’ah Libagon sa pangunguna ni Ustadh Harun Abu Amir sa kanilang pag serbisyo sa lahat ng pagkain ng mga dumalo. Isang pasasalamat din sa lahat ng nag sponsor sa ating mga ipinamigay na raffle kay Brother Khalil Cañeda at sa nagdala ng kanilang pang regalo mula sa mga taga Ormoc, gayundin naman sa sponsor natin sa T-shirts na ating ipinamigay kay Konsehal Muhammad Meras.
Maraming salamat sa Jama’ah Jama’ah ng Ormoc City na halos sila ang pinaka maraming Jama’ah na dumating, sa Jama’ah ng Tacloban City, sa Jama’ah ng Hilongos, Hinunangan, Hinundayan, sa Jama’ah ng Libagon kay Ustadh Harun Brother Ali at sa buong Jamaah ng Southern Leyte, Maraming salamat din sa Jama’a ng Javier Leyte sa pangunguna ni Konsehal Mohammad Dansoi Meras kahit hindi siya nakadalo dahil sa personal na dalahilan, sa Jama’ah ng Abuyog Leyte, sa MacArthur Leyte, sa Jama’ah ng Dulag Leyte, sa Jama’ah ng Palo Leyte, sa Jama’ah ng Naval Biliran, sa Jama’ah Pastrana Leyte, sa Jama’ah ng Babatngon Leyte. Maraming salamat din sa dumalo mula sa Jama’ah ng Samar kahit malayo sa inyo ay mayron paring dumalo sa ating pagtitipon. Maraming salamat din sa lahat ng organizers at coordinators na tumulong upang mapadali ang programang ito at sa mga Ustadh ng IKHLAS Dawah Team na dumalo at nagbahagi ng kanilang kaalaman at oras, gantimpalaan nawa kayo ni Allah ng kanyang Jannah Firdaus..Ameen
Barakallahu Fikum Wa Jazakumullahu Khairan!
Maraming salamat sa inyong pagtitiwala bilang AMIR ng DU’AT COUNCIL REGION 8.
Ust. Ismael Cacharro
Amir, Duat Council of Region 8