11/12/2025
Anti Dynasty Bill nailatag na sa Kongreso
Si Speaker Faustino Dy III at Majority Leader Sandro Marcos ay naghain itong linggo lang ng House Bill 6771, isang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pag-usbong at pagpapatuloy ng political dynasties sa bansa.
Ayon sa paliwanag ng panukala,
“Sa ilalim nito, ang asawa, magkakapatid, at mga kamag-anak hanggang ikaapat na antas ng pagkakamag-anak—sa dugo man o sa bisa ng kasal—ng isang halal na opisyal ay hindi maaaring sabay-sabay na humawak ng mga partikular na posisyong pampubliko.”
Kapag naisabatas, ang panukalang ito ay, ipatutupad na ito sa susunod na halalan at sa mga darating pa, at magpapatupad ng pagbabawal sa sinumang may ugnayang kabilang sa isang political dynasty na humawak ng nasabing mga posisyon sa gobyerno.
Nasa comment section ang news link.