26/09/2026
ANWAR K. EMBLAWA, INIHALAL BILANG BAGONG PRESIDENT NG CENTRAL MINDANAO EAGLES CLUB
TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Buong pagmamalaki at pagkakaisa na inihalal ng Central Mindanao Eagles Club (CMEC) ang masigasig at subok na sa serbisyo na si Eagle ANWAR K. EMBLAWA bilang bagong President ng Central Mindanao Eagles Club (CMEC) para sa Club Year 2027-2028.
Si Emblawa ay nahalal bilang ika-limang President ng club mula nang maitatag ito noong December 2020. Siya ay nahalal ngayong ika-26 ng Setyembre 2026 kasama si Eagle James Rafael bilang Vice President at iba pang opisyales sa isinagawang halalan ng CMEC sa Calesa 28, Calean, Tacurong City, Sultan Kudarat, na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng club.
Si Emblawa ay kasalukuyang Executive Secretary/Municipal Cooperatives Development Officer/Spokesman ng Lokal na Pamahalaan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Kilala siya hindi lamang bilang isang mahusay na lingkod-bayan kundi bilang isang aktibo, masigasig at tapat na miyembro ng CMEC mula pa nang siya ay pumasok sa samahan.
Dahil sa kanyang dedikasyon at ipinakitang malasakit sa club, pinagkatiwalaan siya ng kanyang mga kapwa Agila sa iba't ibang posisyon sa mga nakaraang taon. Isa siya sa ipinagmamalaki ng grupo dahil sa bawat Presidenteng dumaan sa CMEC, buong puso ang kanyang suporta at pakikiisa sa lahat ng programa at adbokasiya. Kaya naman hindi na nakapagtataka na siya ang napiling mamuno sa susunod na taon.
Manunungkulan si Emblawa sa buong taong 2027, bilang kapalit ng kasalukuyang masipag na President na si Eagle Arman Alpasan, na magtatapos ang termino ngayong taon.
Hindi lamang sa CMEC ipinakikita ni Emblawa ang kanyang kasipagan - patuloy din niyang pinatutunayan ang husay at katapatan sa paglilingkod sa Munisipalidad ng Shariff Aguak, kung saan marami na siyang napatunayan sa larangan ng public service at community development.
Inaasahan na sa pamumuno ni President-elect Anwar K. Emblawa, mas lalo pang titatag, lalakas at mas magiging aktibo ang CMEC sa paghahatid ng tunay na Serbisyong Agila sa mamamayan ng Central Mindanao.
Samantala, buong suporta naman ang ipinapaabot ng kasalukuyang masigasig at magaling na SOCCSKSARGEN 2 Regional Governor na si Eagle Jerome Kabugatan sa lahat ng programa at aktibidad ng CMEC, kabilang ang pagsuporta sa bagong liderato.
Ang Fraternal Order of Eagles na kinabibilangan ng CMEC ay isa sa pinakatanyag at pinakamalaking civic organization sa buong Pilipinas na patuloy na nagsusulong ng serbisyo, pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.
Mabuhay ang bagong President! Mabuhay ang CMEC! Mabuhay ang Agila! (Rich Teodoro)
Please Follow, Like and Share Eagles Journal News Online. Thanks!