12/12/2025
Isang makamasang paaralan, bukás para sa lahat, ang patuloy na tinatangkilik ng mamamayan—
ang South Central Mindanao College of Science and Technology (SCMCST) sa lungsod ng Tacurong, Sultan Kudarat.
Kilala bilang institusyong may TESDA accreditation, ito’y umangat bilang isa sa mga pinilakang paaralan ng lalawigan.
Sa bawat taon ay lumalawak ang kanilang pangalan, kasabay ng pagtaas ng gusaling humahakbang sa bagong yugto—
ilang palapag, malawak ang compound, at masinop na iniinspeksiyon upang matiyak ang kalidad ng edukasyon.
Isang patunay na ang paaralang ito’y lumalago, lumalakas, at lumilingon sa pangangailangan ng masa.
Sa likod ng kaunlarang ito ay ang napakabait at iginagalang na Pangulo,
Ginoong Robert B. Batchar,
at ang kaniyang katuwang, ang Vice President,
Ginang Filipanas C. Batchar, Ph.D., LE—
mga haliging hindi lamang pinupuri, kundi minamahal dahil sa tahimik at maayos na pamamahala.
Sa kanilang liderato, walang commotion, walang reklamo, kundi ang tahimik na pagdaloy ng pagkatuto.
Dito, kumpleto ang mga kagamitan—mula sa iba’t ibang kurso na maaari ring magamit sa ibang bansa—
kaya’t libo na ang nakapagtapos, nagtagumpay, at lumipad patungo sa kani-kanilang pangarap.
Dahan-dahan man, ang pangalan ng SCMCST ay sumisikat, kaagapay ng ibang kilalang paaralan tulad ng SMITH
at iba pang institusyon sa Sultan Kudarat.
At ang pinakamaganda—
pang-masa, abot-kaya, at nasa puso mismo ng Tacurong City.
Sa lahat ng interesadong mag-aral, bisitahin lamang ang kanilang official page, SIBOL-Official Student Publication of Scmsti, at mag-inquire
at tuklasin ang paaralang may layuning itaas ang buhay ng bawat Pilipino
sa pamamagitan ng edukasyon.
-SUARA NEWSPAPER
NEWS DMSTV