23/07/2025
𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓: 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐁𝐏𝐀𝐓𝐬, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐢𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧 𝐊𝐮𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐢 𝐏𝐂𝐨𝐥 𝐁𝐞𝐫𝐧𝐚𝐫𝐝 𝐋𝐚𝐨
PRESIDENT QUIRINO, SULTAN KUDARAT — Sinimulan ngayong Hulyo 23-25, 2025 ang tatlong araw na pagsasanay para sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa ilalim ng Project HABAGAT (Hatid ay Alertong Benepisyo na may Aksyon at Gabay Alay sa Taumbayan).
Pinangunahan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, sa pamumuno ni Provincial Director PCol Bernard Lao, ang programa na layong palakasin ang kakayahan ng mga BPATs sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Kabilang sa pagsasanay ang lecture, first aid at basic life support, reporting at documentation, basic self-defense at use of force, pati na rin fire safety tips at simulation drills.
Binigyang-diin ni PCol Lao ang kahalagahan ng BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa seguridad ng bawat barangay at tinitingnan ang karagdagang allowance bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa kabila ng hindi pagiging opisyal na miyembro ng pulisya.