
30/09/2025
‼️SELEBRASYON NG KALIMUDAN FESTIVAL 2025, OPISYAL NANG BINUKSAN!!
Opisyal nang binuksan ang selebrasyon ng Kalimudan Festival 2025 ngayong araw September 30, 2025 na ginanap sa SM General Santos City sa kanilang Grand Media Launching.
Tampok ang mga iba’t-ibang pasabog na inihanda ng Probinsiya ng Sultan Kudarat para sa nalalapit na 27th KALIMUDAN FESTIVAL at 52 Founding Anniversary na tema: “THE WORLD MEETS IN SULTAN KUDARAT.”
Ayon kay MR. KAHAR G. DALATEN, Festival Over-all In-charge “As we will open Kalimudan Festival not on November but this coming October 2025, mas mahaba at mas masayang Kalimudan po ang aning ibibigay namin sa inyo.”
Layunin daw umano ng selebrasyon ng Kalimudan para ipakita hindi lamang sa Mindanao, hindi lamang sa buong Pilipinas kundi, pati narin sa buong mundo, para makilala at makita nila ang yaman ng kultura at talento ng bawat Sultan Kudarateño.
Isa sa pinaka inaabangan ng buong mamamayan ang mga bigating artista na inimbitahan na P-POP at K-POP artist, wala pang opisyal na sinabi kung sino-sinong mga artista ang kanilang inimbita para mag perform sa Kalimudan Festival Stage.
Sa ngayon, nagpapatuloy parin ang kanilang paghahanda upang mas maging kapana-panabik, Mas masaya at mas Bonggang Selebrasyon.
-Marvin Lacorte Alicante