
21/07/2025
LOOK: Kasapi ng M**F 106th Base Command na si Kumander Buntok Utap, patay sa pamamaril sa Dansalan Elementary School sa Brgy. Panadtaban, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur ngayong umaga.
Ito ang kinumpirma sa Radyo Bida ni Rajah Buayan town police chief Capt. Argie Eyana.
Isang babae naman ang tinamaan ng ligaw na bala.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing pamamaril para matukoy kung sino ang may gawa ng krimen.
Matatandaang si Kumander Utap ay dumalo sa rido settlement nitong July 10 para makipag-ayos kay Brgy. Panadtaban Chairman Norudin Utto.
Ito ay pinangasiwaan pa ng 601st Infantry Brigade, 33rd Infantry Battalion at LGU. Ginawa ang peace agreement sa headquarters ng 33rd IB.