08/02/2022
Ang Valentines Day ay ipinagdiriwang ng mga tao sa iba’t-ibang bansa tuwing ika labing-apat ng Pebrero bawat taon lalo na yaong mga romantiko, mga nagmamahal, at minamahal sa buong mundo. Kung tutuusin, isang ordinaryong araw ang Pebrero 14 ngunit sa bawat puso ng mga Pilipino, ito ang pinaka espesyal na araw upang ipagdiwang ang kanilang pagmamahal hindi lamang sa kaniliang asawa o kasintahan ngunit pati na rin sa kanilang mga magulang, sa mga anak, mga kaibigan at ka tropa. Mas popular nga lang ang Araw ng mga Puso sa mga magkasintahan at mga nagmamahalan. Ito ay nangyayari lamang isang araw sa isang taon ngunit ang araw na ito ay magastos rin dahil talaga namang pinaghahandaan ng bawat isa lalo na ng mga binata at mga kalalakihan upang ang Valentines Day ay magiging memorable para sa kanilang asawa, sa kasintahan o kaya sa nililligawan. Samantala, ang mga kadalagahan naman ay palihim ding nag-aantay ng mga regalo mula sa kanilang valentino at talaga namang nakakakilig lalo na’t maraming matatangap na mga rosas at tsokolate sa araw na ito.
Ayon sa mga haka-haka, ang mga Pilipino ay natural na romantiko, sentimental, at maalalahanin. Ang kanilang nararamdaman ay kanilang ipinapakita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo at sulat, pagkain sa labas, at panonood ng mga pelikulang may tema tungkol sa pag-ibig. Simula sa unang araw ng Pebrero marami na ang naghahanda at nag-iisip kung ano ang magandang gagawin o kaya saan gaganapin ang pagdiriwang. Meron din namang dedma lang sa araw na ito. Ang iba naman, naghahanap na at nagtatanong kung ano ang ireregalo sa minamahal. Yaong mga nakadestino naman sa malalayong lugar ay kuntento na lamang sa mga greeting cards at e-cards, ang mahalaga, sila ay naalala tuwing Araw ng mga Puso.
Naging tradisyon na nang bawat Pilipino ang pagbibigay ng mga bulaklak, tsokolate, stuffed toys, greeting cards at mga hugis pusong regalo. Pati ang mga malls, mga restaurants at resorts ay may kanya-kanya ring pakulo at promotion