10/07/2025
Alam mo ba na dati, inaabot ng tatlong araw ang pag-akyat sa Mt. Ugo? Ngunit sa paglipas ng panahon at pag-unlad ng mga trail, ngayon ay kaya na itong akyatin sa mas maikling oras—isang araw, o maging isang oras para sa ilan. Ngunit kahit gaano man ito kabilis marating ngayon, hindi pa rin nagbabago ang mahika ng bundok na ito.
Sa taas na 2,220 meters above sea level, sa tuktok ng Mt. Ugo, sasalubong sa’yo ang breathtaking sunrise, golden sunset, at sa gabi naman, isang palabas mula sa kalangitan—bituin na parang maaabot mo na, dahil sa kawalan ng light pollution. Dito mo tunay na makikita ang universe na para bang nilalatag sa harapan mo.
Mula sa summit, matatanaw ang mga higante ng Luzon—ang Mt. Pulag at Mt. Timbak, na tila mga kapatid ni Ugo sa kataas-taasang kalangitan.
Sa kakaibang paglalakbay na ito, kasama ko ang magaling na photographer na si Arden Gatdula at ang kilalang vlogger na si Dyames Padran. Ngunit ang higit na nagpatingkad sa aming adventure—ang unang 3-wheeler vehicle na inakyat sa Mt. Ugo. Isang karanasang hindi lang hamon sa makina, kundi pati sa aming mga sarili.
Talagang magical ang Mt. Ugo. Hindi lang ito basta bundok—ito ay isang sagradong karanasan na bumabalot sa kaluluwa.
At paalala sa ating lahat: Igalang natin ang kalikasan. Anuman ang dalhin natin pataas, dalhin din natin pababa. Ang ating basura ay responsibilidad nating itapon sa tamang lugar. Panatilihin nating malinis at banal ang ating mga bundok—dahil ito ay tahanan ng kagandahan at katahimikan.
Part 1: https://www.youtube.com/watch?v=BWm7itArTKM&t=42s
Part 2: https://www.youtube.com/watch?v=HpNgJlaR0SA&t=1013s
Dyames version: https://www.youtube.com/watch?v=fJLrw2iovsM