06/04/2026
π’ BAWAL NA ANG PAG-IINOM SA KALYE β DILG
Nagpaalala si Jonvic Remulla, Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na mahigpit nang ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong kalsada bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas at maayos na komunidad.
Ayon sa kalihim, saklaw ito ng umiiral na batas laban sa pampublikong paglalasing o Anti-Public Intoxication Act. Ipinagbabawal din ang paglalatag ng mga mesa, upuan, at iba pang gamit sa kalsada para gawing lugar ng inuman.
β οΈ Babala ng DILG:
Bawal ang inuman sa kalsada
Bawal ang pag-okupa ng kalsada para sa inuman
Maaaring hulihin ang mga lalabag
βPasensyahan na po tayo. Kapag kayo ay nag-inuman sa kalye, huhulihin namin kayo,β ayon sa kalihim.
Layunin ng panuntunang ito na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at disiplina sa mga lansangan sa buong bansa.
π Inaabisuhan ang lahat ng residente na sumunod sa batas upang maiwasan ang kaparusahan.