15/10/2025
๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ, ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ!
๐๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ฐ๐ฌ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ต๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ฌ๐ฐ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ข๐ธ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐จ๐ข๐ด๐ต๐ฐ๐ด ๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ
Ganap nang batas ang panukalang nagbibigay ng libreng serbisyong libing para sa mga mahihirap nating kababayan. Ang Republic Act No. 123078 o Free Funeral Services Act, kung saan isa sa mga author si Sen. Idol Raffy Tulfo, ay awtomatikong naging epektibo noong Setyembre 28, makalipas ang 30-araw mula nang maisumite ito ng Kongreso sa Malacaรฑang.
Nakasaad sa batas na ang mga libreng serbisyo sa paglilibing ay ibibigay sa mga mahihirap na pamilya na walang kakayahang bigyan ng disenteng libing ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Sakop nito ang mga mamamayang Pilipino na itinuturing na nasa โcrisis situationโ kabilang ang mga indigent families at mga biktima ng kalamidad o emergency.
Saklaw ng libreng serbisyo ang embalsamo, cremation o libing, transportasyon, kabaong o urn, at pagproseso ng mga dokumento. Ang DSWD, katuwang ang mga accredited funeral homes, ang magpapatupad ng programang ito.
Noong naghain si Sen. Raffy ng Senate Bill No. 1695 o ang Funeral Services to poor families, binigyang-diin niya ang halaga nang pagsasabatas ng libreng libing dahil tuwing may namamatay na mahihirap nating mga kababayan, malaking pasanin ito para sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay.
Dagdag pa niya, madalas ang ilan sa kanila ay tumatakbo sa 5-6 para sa gastusin sa libing, at dahil dito, sila ay nababaon sa utang. Ang iba naman sa kanila ay kumakatok sa pinto ng mga politiko para magmakaawa at kapag napagbigyan, nagkakaroon sila ng utang na loob na ang kapalit ay boto.
Para sa libreng libing, kailangan lamang magsumite ng death certificate, valid ID, funeral contract mula sa accredited funeral home, at social case study report mula sa social worker.
Sa pamamagitan ng RA No. 123078, hangad ni Sen. Raffy na mabawasan ang pasanin ng mga naulila at mabigyan ng dignidad ang bawat Pilipino sa kanilang huling hantungan.