10/08/2025
Huwag nyong isipin na broken family kapag nawalan ng Ama o Ina ang tahanan. Hindi doon nakasalalay ang pagiging broken family ng isang pamilya.
Kahit magkakasama kayo sa iisang bubong may nanay, may tatay, may mga anak pero wala na yung pagmamahal BROKEN 'YUN.
Pero kahit ikaw lang yan, kahit single mom o single dad ka pero buo ang pagmamahal mo sa iyong mga anak, at mahal ka ng iyong mga anak there is no broken family. Hindi yan nakasalalay sa presensya ng Nanay o Tatay. Nakasalalay yan sa totoong pagmamahal na namumuo sa pamilya.
As long as mahal mo yung mga anak mo, at mahal ka ng mga anak mo, buo ang inyong PAMILYA!