02/09/2022
https://www.facebook.com/photo/?fbid=443549714474208&set=a.224721136357068
HUWAG I-CLICK ANG LINKS sa text messages at emails na mukhang galing sa inyong bangko o unknown sender.
Ang mga bangko ay hindi magpapadala ng text messages at emails na may links alinsunod sa BSP Memorandum M-2022-015.
Makipag-ugnayan agad sa inyong bangko kung nakompromiso ang inyong bank account, credit card, o personal information. Maaari ring makipag-ugnayan sa pulis o sa NBI para maimbestigahan at makasuhan ang mga scammer.
Kung hindi natugunan ng bangko o financial institution ang inyong reklamo, magpadala ng mensahe sa BSP gamit ang BSP Online Buddy (BOB) sa pamamagitan ng sumusunod:
1. I-click ang BOB icon sa website ng BSP
2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP
3. Kung Globe subscriber, mag-text sa 21582277 (May karampatang text at internet charges.)
Protektahan ang sarili mula sa panloloko at mga scam! Practice