15/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            MGA SINTOMAS AT SENYALES NG KULAM AT BARANG 
              Paalala: ang kaibahan ng mga sintomas na ito sa medikal ay kapag hindi ito madiagnose ng doctor at pabalik-balik ito at di gumagaling sa mga niresetang gamot sa inyo. 
              Pag tinamaan ka ng kulam o barang, iba-iba sa bawat tao ang ilalabas na sintomas nito, depende sa naturaleza mo at sa kung anong klaseng kulam ang ginawa sayo. Ito ang mga sintomas nito:
              Kapag ikaw ay binarang, ang unang-unang sintomas nito ay pananakit o paninigas ng tiyan. Sa solar plexus chakra (sa may parteng sikmura, taas ng pusod) mo kasi pinapa*ok ng mambabarang yung mga insekto at bagay na gusto niyang ipa*ok sayo. Naninigas din ng husto ang solar plexus area mo. Kasabay nito ang pagsakit din ng balakang mo at lower back. Ang ibang sintomas pa ay pagsakit ng iyong ulo, pagsusuka, pagkahilo. Isa pang epekto nito ay lagi kang constipated o nahihirapang umihi. (nilalagyan ng mambabarang ng buhangin ang daluyan ng iyong ihi at dumi). At pag nagpacheck-up ka sa doctor, kadalasan ay wala silang makitang findings o pag binigyan ka ng gamot ay hindi ka naman gumagaling dito. Kapag pinaultra*ound mo naman ang tiyan mo, at tiningnan mo itong mabuti, kadalasan ay may nakakatakot na imahe o kakaibang bagay na makikita ka sa ultra*ound sonogram mo (minsan ay ikaw lang ang makakakita nito). Dahil mas mabagsik ang barang kesa kulam, kapag hindi ito agad naagapan, kadalasan ay nauuwi ito sa kamatayan. 
                    
               Nananaginip ka lagi ng masama, o binabangungot ka. Lagi kang nagigising ng 12am to 3am. Nagigising ka na takot na takot o kabog na kabog ang iyong dibdib. Nagigising ka na nanunuyo ang lalamunan mo at uhaw na uhaw. Sa mga oras kasi na ito pinakamalakas ang kapangyarihan ng mga mangkukulam at mambabarang kaya dito nila sinasagawa ang mga ritwal nila. Kung lagi ka namang nagigising ng 3am to 4am at takot na takot, indikasyon ito na may masamang espirito na gumagambala o namemerwisyo sayo. Ang 3am ang tinatawag na demonic hour, at ang 3am to 4am naman ang oras kung saan pinakamanipis ang bakod sa mundong pisikal at mundo ng mga espirito kaya dito sila naglalabasan. Kung nagigising ka naman ng mga ganitong oras at hindi ka naman binabangungot o takot na takot maaaring mababaw lang ang tulog mo.
                                 
Biglang pagkakaroon mo ng insomnia. Hindi ka makatulog kahit anong gawin mo. Ang isa sa unang inaatake ng mga mangkukulam at mambabarang ay ang iyong nervous system at ang iyong isipan, layon nito na mapahina ang iyong immune system upang mas madali kang tablan ng mga ginagawa nila sayo. Kapag napa*ok na ang iyong isipan, isa sa epekto nito ay nagiging makakalimutin ka. May mga oras, pangyayari o mga tao na hindi mo matandaan. Minsan ay nasa isang lugar ka pero di mo matandaan kung paano ka nakarating dun.
Nagigising ka sa gabi at parang may nakadagan sa dibdib mo at nahihirapan kang huminga
Laging kinakabog ang dibdib mo. Nagiging magugulatin ka.
Parati kang tulala at di na makausap. Parati kang tulog, ayaw bumangon. Bigla kang nacocomatose (nangyayari ang mga ito kapag ang astral body mo ay kinulong sa bote ng isang malakas na mambabarang)
May napapansin kang lumalabas na insekto, uod, alupihan, maliit na ahas, alakdan, maliit na salagubang, buhok, buhangin, pako, karayom, putik, sinulid, batong maliliit, dulo ng tingting na kulay itim, etc. sa katawan mo - maaaring pagsuka mo o pagihi mo, pagdumi mo, o habang natutulog ka.
Laging may langaw o bangaw na aalialigid sayo. Nangyayari ito hindi isang beses lang kundi parati. Ang bangaw ay manifestation ng ispirito ng isang taong namatay na may galit sayo. Maaari din itong manifestation ng isang entity na galing sa thought-projection ng isang mambabarang (sugo). Indication din ito na may negative entity na nakakapit sa aura mo. Ito ay manifestation din ng isa sa mga hari ng demonyo na si Beelzebub.
Hindi pantay ang parehong hinliliit mo kapag pinantay ang linya sa dalawang pulso mo (kapag konti lang ang diperensya, dulot ito ng usog o gawa ng tao (galit, inggit, etc.), pwede ring gawa ng laman-lupa. Pero pag malaki ang agwat, lalo na kung tiningnan mo sa mga oras na pakrus sa relo (3-6-9-12), maaaring dulot ito ng engkanto, sapi o kulam. Kapag mas mahaba ang kaliwa, babae ang may gawa nito. Kapag kanan ang mas mahaba, lalaki ang may gawa. Pero based on experience, hindi ito 100% accurate, kaya gumagamit pa ako ng ibang pamamaraan ng pagtatawas.
 
Biglang pagbagsak ng iyong immune system. Pabalik-balik ang iyong sakit at di gumagaling
Biglang pangangayayat mo. Kawalan mo ng gana sa pagkain. Nakakaramdam ka lagi ng labis na panghihina.
 
Parati kang pinagpapawisan ng malamig. Nakakaramdam ka ng panlalamig sa mga kamay at talampakan mo, kadalasan nangyayari ito paglubog ng araw (6 pm onwards).
                                   
Nakakaramdam ka na parang binabaluktot ang iyong mga muscles at buto, sobrang pagkirot ng iyong mga laman
Pakiramdam mo ay parang sumisikip o humihigpit ang isang bahagi ng iyong katawan, kadalasan ay iyong ulo
Pakiramdam mo ay may sumasakal sayo
Laging paninikip ng iyong dibdib at hirap kang huminga 
Biglang paninigas ng iyong katawan o pagkawala mo ng malay (pwede ring sapi)
Laging pamamanhid ng iyong mukha, bra*o, hita, kamay o paa o alinman dito 
Pamamaga ng ilang parte ng iyong katawan
Nakakaramdam ka ng panginginig at sobrang lamig. Parang binubuhusan ng malamig na tubig ang ulo mo.
Nararamdaman mo na parang umaapoy ang iyong mga palad. Pakiramdam na parang sinisilaban ang iyong katawan. Parang may pumapa*o sayo
Nakakaramdam ka na parang may tumutusok sa ibat-ibang parte ng iyong katawan. Nakakaramdam ka na parang tinutusok ang iyong dila, minsan ay mapapansin mo na may sugat ito
Labis na pangangati ng iyong katawan. Tinutubuan ka ng allergy o rashes na hindi gumagaling
Nagkakaroon ka ng mga pantal na lumalaki kada araw at parang may nanang lumalabas na napakabaho (paraya)
Pagkakaroon mo ng maraming hiwa at sugat sa katawan na di maipaliwanag
Pagkakaroon mo ng mga pasa sa iyong katawan paggising sa umaga
Pangingitim ng iyong balat, habang tumatagal ay lalo itong nangingitim.
Nagiging sobrang dry ng iyong balat. Parang natutuyot ang iyong balat
Biglang pagtanda ng iyong mukha, minsan ay nadedeform pa ito.
Pinapapangit ang iyong mukha, tinutubuan ng kung anu-ano
Lagi mong nararamdaman na parang may sapot ng gagamba o buhok sa mukha mo kahit wala naman
Nakakaramdam ka na parang may mga insekto o mga gagamba na gumagapang sa katawan mo
Pakiramdam mo ay parang may ibang bagay sa loob ng katawan mo
Pakiramdam mo ay parang may nakabara sa iyong lalamunan at hirap kang lumunok
Biglang pagkawala ng iyong boses
Pagkakaroon mo ng cancer, lupus at iba pang auto-immune disease (inaatake ng iyong immune system ang sarili mong katawan). Pero mas marami ang medical ang dahilan
Tinutubuan ka ng bukol sa katawan
Lumalaki ang puso mo. Atake sa puso o stroke (karamihan nito ay medical)
Pagliit ng iyong suso
Biglaang hindi ka na makalakad
Parang umiikli o lumiliit ang isang paa mo. Pamamanas ng iyong mga paa
Biglang pagkawala ng iyong pandinig
May parang usok na humaharang sa iyong paningin
Biglaang panlalabo o pagkabulag ng iyong mga mata
Biglang pamumuti o paglagas ng iyong buhok (pwede rin na dulot ito ng stress}
Lumolobo ang tiyan mo pero di ka naman buntis. Matigas yung solar plexus na bahagi.
Pakiramdam ay lumalaki ang tiyan mo pero di naman. Kadalasan itong nangyayari kapag high tide o mataas ang tubig sa dagat (patabang o bunlit). Pakiramdam ay laging busog kahit konti lang ang kinain
Biglang paglaki ng bayag ng lalaki, sa babae naman ay labis na pangangati ng maselang parte.  Binubulok ang maselang parte mo
Biglang pagtigil ng iyong menstruation. Minsan may lumalabas na itim at mabahong likido sa  pwerta mo
May mabahong singaw na lumalabas sa iyong katawan at sa iyong bibig
Minsan ay nagsusuka ka ng dugo na kulay itim
Pagbabago ng iyong panlasa, ayaw mo sa maaalat o may asin. Nawawala ang maalat mong panlasa.
Nagiging masyadong kang sensitibo sa ibat-ibang amoy. Laging kang may naamoy na malansa o nabubulok na laman. May naaamoy ka na parang abo o sinusunog na kahoy
Mayat-maya mo nililinis ang iyong katawan, pakiramdam mo lagi ay sobrang dumi mo at sobrang baho. 
Ayaw mo ng maligo. Wala ka ng pakialam sa iyong personal hygiene
Laging kang nakakaranas ng panic attacks o matinding takot. Lagi mong naiisip na may masamang mangyayari. Nagiging masyado kang negative thinker
Takot kang lumabas ng bahay at makihalubilo sa iba, gusto mo ay lagi ka lang mapag-isa
Nagiging sobrang depressed ka at nakakaisip ka ng magpakamatay
Biglang pagbabago ng iyong ugali. Nagiging magagalitin ka at masungit, wala ka ng makasundo 
Biglang pagkakasakit o pagkamatay ng alaga mong pusa o a*o na hindi maipaliwanag ng iyong vet
Alinman sa mga nabanggit ko sa itaas ay pwedeng indikasyon ng kulam o barang.
Kadalasan naguumpisa ang mga sintomas na ito sa mga oras na pakrus sa relo = alas tres, alas sais, alas nwebe, alas dose o ilang minuto bago sumapit ang mga oras na ito (araw o gabi)
Mapapansin mo na mas lumalala o tumitindi ang mga sintomas na ito tuwing full moon at dark moon o kaya pag malapit na o ilang araw pagkalampas ng mga ito.  
Sa ibang ka*o naman ay martes at byernes mas malakas ang epekto.
                Marami din sa mga sintomas na ito ay psychological in nature, ibig sabihin marami sa mga sintomas na yan ay sariling isip mo ang nag-trigger (psychosomatic illness). Maaaring marami kang kinikimkim na negative thoughts at negative emotions gaya ng takot, galit, sama ng loob, kalungkutan, labis na pag-aalala, etc. at dahil diyan humina ang iyong aura at minanifest ng subconscious mind mo sa physical body mo yang mga sintomas na yan. Huwag kayong maniniwala sa isang albularyo na pag nagpatingin kayo ay wala ng bukambibig kundi “kulam yan”, “barang yan” na lahat na lang ng nagpapakonsulta ay puro yan na lang sasabihin niya. Ang tunay na manggagamot alam ang kaibahan ng sakit na medical at sakit na espiritwal.
                Maingat na maingat po ako pagdating diyan, kasi may mga pasyente na medical o psychological attention ang kailangan at hindi albularyo, at habang pinatatagal nila ang medical treatment nila sa kakapatingin sa albularyo, kaya may pamaraan tayo dyan sa pamagitan ng tawas o patikim sa tubig o tingnan sa kamay para malaman kung may sakit ba spiritwal ang isang tao.
Kaya kung nakakaranas ka ng ilan sa mga sintomas na nandito at nakapagpatingin ka na sa doctor at hindi nila madiagnose kung anong karamdaman mo o di ka gumagaling o pabalik-balik ang sakit mo mainam lumapit sa mga pinakamalapit na albolaryo o faith healer.
Apo Estong Divine healer 
Maria Gozales 09385542807