04/11/2025
PINAPAIGTING NG PNP ANG OPERASYON SA PAPALAPIT NA PASKO KASABAY NG PAGBABA NG KRIMEN
Sa papalapit na Kapaskuhan at mahabang bakasyon, pinapaigting ng Philippine National Police (PNP), sa pamumuno ni Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat Pilipino.
Alinsunod sa PNP Focused Agenda at sa layunin na โBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,โ isinasagawa ng mga yunit ng pulisya sa buong bansa ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO), pinapalakas ang presensya ng mga pulis, at maingat na inilalagay ang mga tauhan sa mga pampublikong lugar, transportasyon, komersyal na sentro, at iba pang mataong lugar upang bantayan at respondehan ang krimen.
โAng presensiya ng pulisya ay hindi lamang nagbibigay katiyakan sa publiko kundi nagsisilbing panghadlang sa mga posibleng salarin upang hindi gumawa ng labag sa batas,โ ani Acting Chief PNP Nartatez.
Patuloy rin ang Unified 911 emergency system sa pagbibigay ng mabilis at epektibong tulong sa mga komunidad, tinitiyak ang maagap na pagtugon sa anumang insidente.
โMula Hunyo hanggang Oktubre 2025, ang walong pangunahing uri ng krimen na aming minomonitor ay nakapagtala ng pagbaba, na umabot sa kabuuang 14 porsyento sa buong bansa. Bagamat nag-iiba-iba ang mga trend ng krimen sa iba't ibang rehiyon, ipinapakita ng datos na ang aming preventive measures ay may positibong epekto,โ dagdag pa ni PLTGen Nartatez.
Aniya pa, โAng krimen ay pabago-bago, at maaaring magbago rin ang trend, ngunit hindi matitinag ang aming dedikasyon sa pagbibigay proteksyon at serbisyo. Bawat operasyon namin ay hindi lang para tumugon sa krimen, kundi para rin ito pigilan, lalo na ngayongparating na Kapaskuhan kung kailan marami sa ating mga kababayan ay abala at nasa labas ng kanilang mga tahanan.โ
Nanawagan ang PNP sa publiko na maging mapagbantay, agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o krimen, at makipagtulungan sa mga awtoridad.
Sa pamamagitan ng preventive measures, mabilis na pagtugon, at pakikipag-ugnayan sa komunidad, muling pinagtitibay ng PNP ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman ng bawat Pilipino.