
21/09/2025
NAKAKADUROG NG PUSO na marami sa ating mga kabaro Ang nasaktan.
Hindi po sila kalaban—sila ay mga anak, kapatid, magulang, at kabaro na naglilingkod nang buong puso para sa bayan.
Sa gitna ng kaguluhan, marami sa kanila ang nasaktan dahil sa galit ng taumbayan.
Ngunit tandaan natin, tungkulin lamang ang kanilang ginagampanan—hindi upang makipaglaban, kundi upang magbantay at magtanggol.
Sa kabila ng sakit at sugat na kanilang tinamo, hindi nawawala ang dangal ng kanilang paglilingkod.
Pagaling kayo, mga kapatid sa serbisyo—ang inyong sakripisyo ay hindi kailanman malilimutan .
Please pray for our police officers.