14/06/2026
Nakita mo din ba?
Yung tanong ko kahapon...
“Kung ikaw yung tutulungan, gusto mo ba na pinopost yung mukha mo sa social media?”
Iba iba yung sagot..
May nagsabi..
“Okay lang basta nakatulong.”
May nagsabi rin..
“Ayoko. Derechong No. Wag na. ”
At habang binabasa ko ang comments…
may naisip akong mas malalim na tanong.
Ano nga ba talaga ang tunay na pagtulong?
Kasi minsan…
ang bagay na akala nating tulong…
pwede rin palang maging prison.
Kulungan..
Ganito kasi madalas ang nangyayari jan..
Sa Unang tulong..
Appreciation.
Kapag may tumulong sayo, nagpapasalamat ka.
Natural lang.
Masaya ka.
Magaan ang pakiramdam mo.
Pero kapag naulit…
nagiging…
Anticipation.
Yung tipong:
“Baka makatulong ulit.”
“Baka meron na naman.”
Tapos kapag paulit-ulit…
nagiging…
Entitlement.
“Dati tumutulong naman sila ah.”
“Bakit ngayon wala na?”
Hanggang sa hindi mo namamalayan…
nagiging…
Dependency na yan...
Yan yung tipong Unti unti mo ng inaasa sa iba ang bagay na dati kaya mo naman magawan ng paraan.
At kapag tumagal pa…
nagiging…
Habit na yan...
Yung pagtanggap ng tulong nagiging normal na pagkatao mo yan.
Hindi na yung paghanap ng paraan.
At ang pinakadelikado sa dulo nito kapag pinagpatuloy mo pa yan?
Learned helplessness na ang tawag jan...
Ito yung part na kaya mo naman sana…
pero hindi ka na naniniwalang kaya mo...
Parang batang elepante na itinali noon sa maliit na poste.
Lumaki siyang malakas at malaki...
Kaya na niyang putulin ang tali.
Pero hindi na niya sinusubukan.
Kasi sa isip niya…
“Hindi ko kaya.”
Ganun din minsan ang karamihan..
Hindi dahil mahina siya.
Kundi dahil nasanay siyang may sasalo sa kanya..
Ngayon... dont get me wrong..
hindi ko sinasabing mali ang tumulong.
Tumutulong din ako kapag kaya ko...
Pero habang tumatanda ako…
mas naiintindihan ko ang isang importanteng bagay..
May tulong na nagliligtas ng tao...
At may tulong na hindi sinasadyang lunurin pa ng todo yung tao..
Kaya para sakin…
ang pinakamagandang tulong ay hindi yung paulit-ulit kang nagbibigay ng isda.
Kundi yung tinuturuan mong mangisda.
At hindi rin sapat ang simpleng...
“Diskarte lang yan.”
Kasi hindi lahat pare-pareho ng pangangailangan..
Pero sana…
lahat tayo magkaroon ng isang bagay...
Options.
Dahil ang taong may options…
hindi yan mdaling alipinin ng takot...
Hindi yan madaling gawing sunod-sunuran sa sitwasyon.
Dahil ang taong may options, ay may kakayahang tumayo kapag nadapa.
At minsan..
ang pinakamalaking charity na maibibigay mo sa isang tao…
ay hindi pera.
Kundi kakayaha nilang kumita.
Hindi awa.
Kundi pagkakataon.
Hindi pansamantalang ginhawa.
Kundi paraan para hindi na nila kailanganing habambuhay ay umasa sa iba.. sa kaibigan, sa kapamaliya, o kahit pa sa 4P's ng bansa.
Kasi ang tunay na tulong…
hindi yung kailangan ka nila habang buhay.
Ang tunay na tulong…
ay yung balang araw, hindi ka na nila kailangan.
Gets mo ba yan.?