04/08/2026
Grateful for the spotlight One Pilipinas! Still new to the scene and learning every step of the way, but excited to keep growing as I dive deeper into commentary for AAP Motorsport. Every challenge is a chance to improve, and Iโm all here for it. ๐๏ธ๐ฅ
๐๐๐ฃ ๐ ๐ผ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ, ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ถ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
Patuloy na pinauunlad ng AAP Motorsport ang kalidad ng coverage ng National Esports Championship sa pamamagitan ng paghubog ng mga caster na may sapat na kaalaman at pag-unawa sa simulated racing, upang mas maihatid sa mga manonood ang teknikal at kompetitibong aspeto ng bawat karera.
Isa sa mga naging bahagi ng programang ito si Ms. Andi Lopez, o mas kilala bilang RedQueen Andi, na nagsimulang mas makilala ang mundo ng simulated racing nang maging caster ng AAP Motorsport. Ibinahagi niya na noong una ay inakala niyang katulad lamang ito ng isang arcade game, ngunit kalaunan ay napagtanto niyang mas teknikal at masalimuot ang bawat disiplina ng kompetisyon.
Binigyang-diin din niya na hindi sapat ang mahusay lamang magsalita upang maging epektibong caster. Aniya, mahalagang maranasan mismo ang sim racing upang maunawaan ang takbo ng karera, mga estratehiya, at iba pang detalye na kinakailangan sa pagbibigay ng tumpak at makabuluhang komentaryo.
Bilang paghahanda sa bawat event, gumagawa siya ng sariling tala, pinag-aaralan ang iba't ibang discipline ng AAP National Esports Championship, nanonood ng racing commentaries, at nagsasanay ng kanyang delivery upang higit pang mapahusay ang kanyang performance bilang caster.
Ibinahagi rin niya na naging malaking tulong ang bukas at matulunging komunidad ng AAP Motorsport sa kanyang patuloy na pagkatuto. Para sa mga nagnanais maging caster, iginiit niyang mahalagang pag-aralan ang isport at magkaroon ng aktuwal na karanasan sa sim racing upang maihatid nang epektibo ang bawat laban.
-
Ito ang ๐ข๐ป๐ฒ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐, ang inyong bagong ๐๐ฎ-๐๐ฆ๐ sa tapat na pagbabalita. Nag-uulat para sa nagkakaisang Pilipinas.
Para sa iba pang balita, i-like & follow lang ang One Pilipinas sa Tiktok: .pilipinas, Facebook: , Spotify: One Pilipinas, at YouTube: ๐ต๐ญ