04/04/2025
Story time:
Kanina may nakasabay ako sa pantry umorder ng pagkain umi-english. Dko alam if bago sya sa BPO kasi mukang pinoy naman sya. D mo naman masasabing d sya marunong magtagalog at siguro nasa 40's na tas lalaki. Bali nauna sya sakin umorder tas ako sunod sa kanya sa pila
Customer: give me one of that egg and that egg (referring to omelette and sunny side up kasi magkatabi sa iisang tray)
Ate nagbabantay: this one sir? (sabay turo sa omelette at akala nya dalawa nun).
C: yes, just one and that one (turo sa sunny side up pero medyo d clear kasi may glass ang mga pagkain so mahirap na turo lang).
Medyo d na gets ni ate kasi pagod na din sya at d din naman malinaw pagkakasabi ng customer. English pero d sinabi anu eksaktong gusto, turo lang. Ako na nakikinig, tinanong ko customer (you want the sunny side up? At nag oo sya ( medyo engot din ako sa part na yun kasi napa-english ako sa kanya kasi dko sure kung d ba talga sya marunong mag tagalog 🤣🤣). So nilagay ni ate isang omelette at isang sunny side up dun sa plate ni customer. Kaso parang d si customer satisfied
Customer: give me another egg because that's too small (referring sa sunny side up).
na gets ko na gusto nya palitan ang sunny side up kasi medyo maliit daw ang egg na nabigay pero d ulit na gets ni ate kasi nga d malinaw pagkakasabi ni customer pinilit pang e English. So si ate naman deritso lagay ng isa pang sunny side up kaya naging dalawa na yung nasa plate ni customer. Medyo nainis si customer sa part na yun. Nagmalalim na hininga nlang sya pero d na nya pinatanggal at binayaran nlang (Note: in fairness mabait sya sa part na yun. Imbis magalit nagbayad nlang. 45minutes lang kasi lunch break at medyo napatagal na sila sa order plang).
Main point: Kung nagtagalog nalang sana mas mabilis na at mas nagkaintindihan pa. Medyo cringe tlga pakinggan English sa kapwa pinoy ng d naman necessary. Sorry pero baka ako lang ang na o awkward sa ganito 😁😁