24/09/2025
PINAKA MALAKING DAHILAN KUNG BAKIT NATAPON ANG TAO SA IMPIERNO AY DAHIL SA PAG-IWAN NG SALAH❗❗❗
👉Binanggit sa Qur'an kung saan tatanunging ang mga tao na natapon sa impiyerno:
"ANO ANG NAGHATID SA INYO TUNGO SA IMPIYERNO?
KANILANG SASABIHIN: "KAMI AY HINDI KABILANG SA MGA NAGSASAGAWA NG SALAH (hindi kami nagdarasal)"
PAALAALA:
Sinumang inabutan ng kamatayan na tuluyang nag-iwan ng Salah ay hindi dadasalan, hindi babalutin ng katulad ng pamamaraan ng pagbalot sa isang Yumaong Muslim at hindi ililibing sa libingan ng mga Muslim, Ngunit kung siya ay nagsasagawa parin paminsan-minsan ay isasagawa parin sa kanya ang mga bagay na ito.
👉👉 ANG NAG-IWAN NG SALAH AY MAS MASAHOL PA SA NAKIKIAPID (zina), MAGNANAKAW, NAG-INOM NG ALAK etc..
👉 Sinabi ni Imam Ibn Taimiyya:
"Nagkaisa ang mga Ulama na:
"ANG TAONG LUMISAN NG SALAH AY MAS MASAHOL PA SA PAKIKIAPID (zina) AT MAGNANAKAW"
- Ang nag-iiwan ng Salah ay mas masahol pa sa umiinom ng alak o mas masahol pa kaysa sa mga bakla at tomboy❌❌❌
Dahil ang Muslim na nakagawa ng Zina, Nakainom ng alak, Magnanakaw, Bakla, Tomboy ay hindi pa nalalabas sa Islam (ngunit lahat ng ito ay pawang mabigat na kasalanan)!
- Ngunit sila na tuluyang nag-iwan ng Salah ayon sa pananaw ng nakakaraming pantas (ulama) ay lumalabas sa Islam.
👉Sinabi ng Propeta (sumakanya ang biyaya at pagpapala):
"Ang kaibahan ng lalaki (tao) at Kufr (pagiging KAFIR) at ang SHIRK (pagtatambal) ay ang pag-iwan ng Salah" Iniulat ni Imam Muslim.
👉Sa ibang ulat na Hadith:
“Sinuman ang umiwan ng Salah na Asar ay nawalan ng saysay ang kanyang gawain” Naiulat ni Imam Albukhari
Note: Magmadaling magbalik-loob kay Allah dahil binubuksan Niya ang pintuan ng Taubah sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya❗❗❗
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
قال تعالى: "مَا سَلَكَكُمْ فِي سَقَرَ (42) قَالُوا لَمْ نَكُ مِنَ الْمُصَلِّينَ (43)"
حديث: "بين الرجل وبين الكفر والشرك ترك الصلاة" رواه مسلم
حديث: "مَنْ تَرَكَ صَلاةَ الْعَصْرِ فَقَدْ حَبِطَ عَمَلُهُ " . روى البخاري (520
✍ Zulameen Sarento Puti)