Barangay Maharlika Taguig City ROOM for Rent at iba pa

Barangay Maharlika Taguig City  ROOM for Rent at iba pa Rooms for rent at iba pa

23/06/2026

FOR AWARENESS!
Kahit masjid, hindi tayo dapat magkumpiyansa.
Kinuha ang Sadaqa Box ng Umpar Mosque nung Friday bago mag-Salatol Jumuah.
CCTV footage courtesy of Barangay Maharlika.

Paalala sa lahat: Maging alerto tayo sa paligid. Kung may makitang kahina-hinalang kilos, i-report agad sa admin ng masjid o sa Barangay Hall.

Ang Sadaqa Box na yan ay para sa masjid. Nawa'y makunsensiya ang naka Niqab pa naman. Allah is Al-Baseer, The All-Seeing

19/06/2026

Sa Ngayon wala na pong bakante ang paupahan nila Admin. Salamat po.

08/06/2026
Tayong Pilipino, mukhang nasasanay na sa baha. Pero hindi dapat masanay sa mga pagnanakaw.Bilyon-bilyong pondo para sa f...
08/06/2026

Tayong Pilipino, mukhang nasasanay na sa baha. Pero hindi dapat masanay sa mga pagnanakaw.

Bilyon-bilyong pondo para sa flood control, pero mula Luzon hanggang Mindanao, lubog pa rin ang buong Pilipinas. Maynila, probinsya, siyudad, kanayunan—walang pinipili ang baha. Nawawalan ng bahay, ng hanapbuhay, ng buhay. Saan napunta ang pera? Sa ghost projects. Sa substandard na pader na mas mabilis pa gumuho kesa sa ulan. Sa bulsa ng iilan.

Ngayon, may mga testigo na. May mga resibo na. May mga lumalantad para sabihin ang totoo. Pero anong ginagawa natin? Yung testigo, hindi pinaniniwalaan. Nilalait, tinatakot, binabansagang sinungaling. Samantalang yung magnanakaw, pilit na pinagtatakpan. Depensa dito, depensa doon. 'Loyal' daw.

Loyalty ba ang pagbubulag-bulagan habang nalulunod sa baha ang buong bansa? Loyalty ba ang pagkampi sa kurakot habang ang kapwa mo Pilipino, nakapatong na sa bubong?

Kung mahal mo talaga ang Pilipinas, hihingi ka ng pananagutan. Hindi mo kokonsintihin ang magnanakaw. Hindi mo tatahimikin ang testigo. Dahil ang totoong makabayan, kakampi ng nilulubog, hindi ng nagpapalubog.

Kawawa na nga ang binabaha sa buong Pilipinas, tayo pa mismo ang pumapatay sa pag-asang mananagot ang may sala. Gumising na. Maningil na. Para sa bayan. Para hindi na tayo lulubog ulit.

07/06/2026

Edit: MAY NAG RENT NA!

Assalamoalaykom mga karent. meron po akong unit sa may Maharlika Condominium, Building 2 Unit 107 for rent, may 2 kwarto na, with CR, lababo, pwede rin mag tinda duon. Pm lang sa interesado.

PARA SA BAYAN, KAHIT MALAYO AKOBilang isang OFW, araw-araw kong tanong sa sarili: “Hanggang kailan ako mangingibang-bans...
07/06/2026

PARA SA BAYAN, KAHIT MALAYO AKO

Bilang isang OFW, araw-araw kong tanong sa sarili: “Hanggang kailan ako mangingibang-bansa para lang mabuhay nang maayos ang pamilya ko?”

Kaya hindi ako pwedeng walang pakialam sa nangyayari sa Pilipinas.

Hindi ako pulitiko. Hindi ako eksperto. Ordinaryong Pilipino lang ako na nagtatrabaho sa ibang bansa, pero hindi ibig sabihin nun bulag na ako sa totoo.

Ang nangyayari ngayon sa Senado ay hindi chismis. Hindi drama. Ito ay laban sa pagitan ng mga gustong ilabas ang katotohanan, at ng mga desperadong itago ito.

At kapag katotohanan ang itinatago, tayong mga ordinaryong Pilipino ang ninanakawan. Ninakawan ng tamang impormasyon. Ninakawan ng pananagutan. Ninakawan ng pag-asang magkakaroon tayo ng malinis na gobyerno.

Kaming mga OFW, doble ang tama sa amin. Habang kinakayod namin ang bawat sentimo dito sa abroad, may mga nakaupo sa pwesto na ginagawa tayong tanga. Pinag-aaway tayo sa kulay at partido habang sila, pare-pareho lang ang interes: protektahan ang sarili.

Kaya hindi na ‘to usapin kung sino ang binoto mo. Ang usapin ngayon: Kakampi ka ba ng katotohanan, o kakampi ka ng pagtatakip? Tatahimik ka ba kasi “wala ka namang magagawa,” o titindig ka kasi may magagawa ka pa?

Ang pagmamahal sa bayan ay hindi pagbubulag-bulagan sa mali ng iniidolo mo. Ang pagmamahal sa bayan ay pagtanggap na kahit masakit ang katotohanan, ‘yun pa rin ang dapat manaig.

Matagal na tayong ginagamit. Matagal na tayong pinag-aaway. Panahon na para matauhan tayo.

Hindi ako hihingi ng tawad sa pagiging maingay. Kasi ang pananahimik ko ngayon ay pagnanakaw ko sa kinabukasan ng mga anak ko. At bilang magulang, bilang Pilipino, hindi ko ‘yun kayang gawin.

Kaya nananawagan ako sa kapwa ko OFW at sa lahat ng Pilipino: Makinig tayo. Magmasid tayo. Magtanong tayo. Huwag tayong pumayag na ibaon na lang ang totoo.

May karapatan tayo sa gobyernong hindi tayo tinatraydor. May tungkulin tayong singilin ‘yan, kahit nasaang lupalop pa tayo ng mundo.

Hindi ako para sa pangalan. Hindi ako para sa partido. Ako ay para sa Pilipino. Ako ay para sa katotohanan.

Doon ako sa may prinsipyo at may dignidad. Doon ako sa hindi nabibili at hindi natitinag. Laban SPC! Para sa katotohanan. Para sa bayan. Lagi.

Isang OFW na may malasakit, hindi lang sa pamilya, kundi sa buong Pilipinas

02/06/2026

Magandang araw po. AsSalamo Alaykom. Ako po ay naghahanap ng maayos gumawa na plumber/tubero dito sa barangay. May konting problema lang po sa lababo at mga tubo namin na gusto ko po sana ipa-check. Baka po may mare-recommend kayo. Maraming salamat po sa tulong.

11/05/2026

LOST AND FOUND: SAMSUNG A06, SILVER

AsSalamo Alaykom warahmatullahi wabarakatuh po.

Baka may nakapulot po kayo ng cellphone.

Nawala: Samsung A06, kulay Silver
Nahulog: Ng asawa ko habang nagmomotor along Marawi Avenue, Maharlika Village
Petsa/Oras: May 11, 2026, mga 8:00 PM

Importante po kasi gamit niya iyon sa work niya. Nandun po lahat ng contacts ng pamilya at trabaho.

Kung napulot niyo po o may nakita kayo, paki-PM po ako please.

May pabuya/pang-meryenda po kami bilang pasasalamat.

Jazakallahu khayran po sa makakatulong.

Address

Marawi Avenue Maharlika
Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Maharlika Taguig City ROOM for Rent at iba pa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share