Fae Pagcaliwangan

Fae Pagcaliwangan Forever And Ever, Walang Maiiwan

ABOUT LAST NIGHT 🌌Tuloy-tuloy pa rin po ang preparasyon natin para sa darating na Blessing at Dedication ng ating Bagong...
12/11/2023

ABOUT LAST NIGHT 🌌

Tuloy-tuloy pa rin po ang preparasyon natin para sa darating na Blessing at Dedication ng ating Bagong Altar at Retablo. Nakasama po natin si Fr. Robi Okol ng St. Michael Parish, Hagonoy para ipaliwanag ano ang mangyayari sa susunod na Linggo.

Alam niyo ba na ang gagawing dedication pala ay parang pagbibinyag ng Simbahan? May mga katulad na elemento gaya ng pagbabasbas ng tubig at langis, kandila at meron pang ninong at ninang! Kaya wag natin palampasin ang pagkakataon na masaksihan ang pagkakataon na ito.

Happy Sunday, mga kapamilya, kita-kits tayo mamayang 6pm na misa. 🙏🫶

Narito na po ang schedule ng ating mga activity para sa darating na 34th Anniversary at Fiesta ng ating Parokya.Pagkatap...
10/11/2023

Narito na po ang schedule ng ating mga activity para sa darating na 34th Anniversary at Fiesta ng ating Parokya.

Pagkatapos po ng kampanya at eleksyon, diretso po agad tayo sa pagbalik sa paglilingkod sa Parokya. Excited na po ako na makita ninyo ang bago nating Altar!

Kita-kits tayo sa unang araw ng Novena, mga kapamilya!

NARITO PO ANG SCHEDULE NG ATING NOVENA MASSES AT FIESTA MASS PARA SA IKA-34 ANIBERSARYO AT KAPISTAHAN NG ATING PAROKYA:

SALAMAT, LOWER BICUTAN 🫶🏻🥹Initial mentoring sessions with Sec. Gemma ng Brgy. Lower Bicutan (President din ng Associatio...
06/11/2023

SALAMAT, LOWER BICUTAN 🫶🏻🥹

Initial mentoring sessions with Sec. Gemma ng Brgy. Lower Bicutan (President din ng Association of Brgy. Secretaries) para sa panibagong journey natin. Grabe ang pasasalamat ko sa lahat ng nakasama ko sa Brgy. Lower Bicutan dahil napaka-generous nila lalo sa kaalaman at talagang marami akong natutunan sa kanila lalo sa pagpapatakbo ng barangay.

Truly, great leaders create more leaders! Magandang tanghali po sa lahat.

Tears do not last forever. 🩵
04/11/2023

Tears do not last forever. 🩵

01/11/2023

Hello, November! 🩷
Fiesta season na!! 🎉🎉🎉

“Obey your leaders and submit to them, for they keep watch over your souls as those who will give an account. Let them d...
27/10/2023

“Obey your leaders and submit to them, for they keep watch over your souls as those who will give an account. Let them do this with joy and not with grief, for this would be unprofitable for you.”
Hebrews 13:17

Honoring our Mayor Lani Cayetano today for giving us her time and wisdom as we draw near October 30. Salamat Ninang sa palaging pagpapaalala na sa huli, iisang barangay pa rin tayo kaya dapat laging piliing maging mabuti.

Ang suporta mo po bilang aming Ate at Mama Lani ay susuklian namin ng suporta sa iyo sa pamamagitan ng pag-uumpisa ng kapayapaan at katotohanan para sa ating barangay.

Maraming salamat po sa pakikinig at salamat rin po sa pagtitiwala ninyo sa akin sa inyong mga kwento.Matatapos na po ang...
26/10/2023

Maraming salamat po sa pakikinig at salamat rin po sa pagtitiwala ninyo sa akin sa inyong mga kwento.

Matatapos na po ang kampanya at ang pinamalaking baon ko po ay ang makilala pa kayo, hindi lang bilang ka-barangay o kapitbahay, kundi bilang kasama sa pagbuo ng bagong pangarap para sa Bagumbayan.

Dahil po sa inyo, hindi tayo napapagod na mangarap ng mas progresibo pamamahala, sa klase ng pagmamahal ninyo, dapat lang po ito masuklian ng mahusay at matinong serbisyo.

Sa aming mga volunteers, maraming salamat sa inyo, malapit na natin maabot ang pagbabago. 🫶 Magandang araw, Brgy. Bagumbayan!

24/10/2023

Alam niyo ba na si Ate Fae ang nag-operate ng Online Mass simula nung nagkaroon ng pandemya? Linggo-linggo maraming nakakapanood ng ating mga misa hindi lang sa Bagumbayan kundi sa buong mundo. Dahil dito, maraming nagpapadala ng mga donasyon na ipinamamahagi sa mahihirap nating ka-barangay.

GRABE. NANDITO NA TAYO SA EXCITING PART ✨✨Manifested this moment for years and it's still more than I expected. Habang h...
21/10/2023

GRABE. NANDITO NA TAYO SA EXCITING PART ✨✨

Manifested this moment for years and it's still more than I expected. Habang hinihintay ko mangyari 'to, ihinanda ko po talaga ang sarili ko, inaral, inintindi at nakinig tayo para kapag dumating na ang pagkakataon ko, handang-handa na agad tayo.

Marami pang kailangan aralin pero titiyakin ko pong ang meron ako ay sapat para sa isang matino at mahusay na paglilingkod para sa inyo. Tulad nga ng palagi kong sinasabi, wala akong maipapangako kundi ang talino at puso ko lamang po para sa paglilingkod sa inyo.

Kaya po, sa October 30, straight na po tayo all the way!

Maraming nagsasabi na dahil sa kanyang edad kulang pa ang kanyang karanasan para maglingkod sa barangay, pero alam niyo ...
20/10/2023

Maraming nagsasabi na dahil sa kanyang edad kulang pa ang kanyang karanasan para maglingkod sa barangay, pero alam niyo ba, na si Ate Fae ay naging Project and Program Coordinator ng Barangay Lower Bicutan?

Dito natutunan niya ang operasyon ng barangay sa gabay ng kanilang Punong Barangay, Barangay Council at Barangay Secretary? Nakasama siya sa mga workshops, seminars at planning para sa barangay setting.

Address

Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fae Pagcaliwangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share