07/06/2026
Tooth Fairy Story🧚
Matatanggal na yung ngipin ni Zain kaya sabi ko, “Alisin na natin para may ibigay si Tooth Fairy.” 🧚
Tinry namin gamit ang sinulid, pero failed yung first attempt. Yung second attempt, ayaw pa rin. 😅 Kaya nagpaalam muna ako sa kanya at si Mommy na lang ang nagtanggal gamit ang daliri.
Medyo naawa ako kasi first tooth niya yun na matatanggal at hindi pa niya alam yung feeling ng mabunutan. Pero after matanggal, happy na siya agad. 😊
Bago matulog, nilagay namin yung tooth niya sa ilalim ng pillow para kunin ni Tooth Fairy. Kinabukasan, excited siyang mag-check kung may iniwang surprise. At ayun, may 30 pesos nga iniwan si Tooth Fairy!😅
Sabi pa niya, “Totoo nga si Tooth Fairy!” tapos biglang, “Gusto ko pa ulit matanggal yung isa kong tooth!” 😂🦷