29/06/2025
Sana ganito din tayo dito sa Pilipinas nating mahal.
My own giving birth story!
My first meal, 32 hours after surgery.
Dito ako nanganak sa South Korea. Sa private hospital. Sa June 30 ng umaga pa sana schedule ko kaso napaaga. June 27 at 1:30 am nagising ako kasi sumakit puson at naiihi ako so pumasok ako sa cr para umihi ayon pumutok na panubigan ko kaya ginising ko na ang asawa ko then dinala na niya ako sa hospital. Pag dating namin mga before 2am pinagpalit agad ako ng damit, chineck agad BP ko, ang heartbeat ni baby, kung ilang cm na ako, tapos ultrasound, kinabitan na ako ng catheter, tapos epidural (anesthesia na tinutusok sa spinal cord) then ayon C-section na. Walang sinayang na oras ang nurses at doctors. Ang bilis ng pangyayari. Pero nag panic attack ako nahirapan ako huminga, gusto ko sumuka. Gusto ko ng oxygen. Pero unti unti akong kumalma since pumasok ang asawa ko sa operating room while on going ang C-section. Pag rinig ko sa iyak ng anak ko, umiyak na rin ako. Ng iyakan kami mag ina hehe. Pumasok agad sa isip ko yung pagmamahal, responsibility at kung paano ko siya alagaan.
Mag stay kami dito ng minimum 2 weeks sa hospital. Wala pong problema sa akin or kay baby. Ganito lang talaga ang korean service. Sila na rin mag aalaga kay baby para naman makabawi bawi ang nanay kahit papano. Before ako nanganak nag bigay ng 40,000 pesos voucher ang government para pang check up, pambili ng gamot at vitamins. May congratulatory money na 80,000 pesos voucher pagkatapos ko manganak na pwede gamitin kahit sa grocery at online, 40,000 cash from city hall at buwan buwan mag bibigay ang government ng 40,000 pesos cash para sa needs ni baby. Malaki kasi privilege dito ng babies, priority ng government ang mga bata gawa ng mababa ang birth rate ng South Korea. ❤️
Sa mga wala pang anak, medyo scary, lalo na cs ako. Suhi po ang anak ko. Ayaw umikot. Gising ako habang on going ang surgery. Nanginig ako sa recovery room kahit hindi naman malamig. Ang sakit after mawala ng anesthesia. Ang hirap, konting galaw ramdam ko agad ang sakit. Nakahiga ako ng 30 hours, with catheter. Mababa lang kasi ang pain tolerance ko. Pero, kahit ano pa man, worth it naman lahat ng sacrifices at pag titiis ko. Alam niyo kung bakit? Dahil sa asawa kong mapagmahal at caring. Nakita ko kung paano siya nag alala sa akin. Hindi niya talaga ako iniwan sa operating room kahit alam kong takot rin siya. Pinakita niya kung gaano niya ako kamahal during my lowest moment. Stress-free ako during my pregnancy, yung pag aalaga niya sa akin since nabuntis ako mas dumoble. Kaya choose wisely! Wag yung lalakeng sa umpisa pa lang dami ng red flag, 'okay na to' or 'bahala na mahal ko naman'. Tandaan, mawawala ang pag mamahal pag hindi ka tinatrato ng tama, masasayang ang buhay mo sa pag titiis. Mag isip at pumili ng maayos. Wag mag madali kasi mahirap ang marriage life pag sa maling tao ka napunta. Imbis safe place mo ang partner mo, dagdag laban pa sa buhay. Madaming mababait sa mundo kaya piliin natin yung mabait sayo at mabait sa lahat. Yung sensitive sa feeling mo. Yung lalakeng nandyan sa hirap at ginhawa. Yung mas mamahalin ka pa, aalagaan, susuportahan sa oras ng pangangailangan at kagipitan. Yung lalakeng kalma, mataas ang pasensya at irerespeto ka pa rin kahit galit pa yan. Yun lang po 🫶.
Maraming salamat God sa successful delivery at salamat binigyan mo kami ng malusog na anak. 🙏❤️👶