12/06/2025
MAIKLING SIPI NG BUOD NG PANGYAYARI
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming malayang barangay at kaharian (tulad ng Maynila, Cebu, Sulu, at Maguindanao) bago dumating ang mga Kastila.. May sariling kultura, pamahalaan, at pakikipagkalakalan na sa mga karatig bansa sa Asya, malaya ang mga sinaunang Pilipino.
Ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pamumuno ni Ferdinand Magellan ang naging hudyat ng simula ng pananakop ng mga kastila sa Pilipinas. Sa Labanan sa Mactan natalo ang pangkat ni Magellan at sa labanang ding ito namatay si Magellan. Ngunit nagpatuloy ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas. At simula noong 1565, tuluyang sinakop ng Espanya ang kapuluan sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi. Naghari ang Espanya sa loob ng mahigit 333 taon dalla ang Kristiyanismo, bagong sistema ng pamahalaan, at edukasyon, ngunit may kalakip na pagmamalabis, diskriminasyon, at pagsasamantala.
Unti-unting umusbong ang damdaming makabayan ng mga Pilipino dahil sa pang-aaping nararanasan ng mga Pilipino mula sa mga Espanyol noong panahong iyon, gayundin, lumaganap ang impluwensya ng Enlightenment at Himagsikan sa Amerika at Pransya. Kung kaya noong 1892, itinatag ni Andres Bonifacio ang lihim na samahang Katipunan (K*K), na may layuning makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng armadong pakikibaka. Sumiklab ang himagsikan noong Agosto 23, 1896, sa pamamagitan ng Unang Sigaw sa Pugad Lawin.
Disyembre 1896 nang barilin sa Bagumbayan si Dr. Jose Rizal, ang Pambansang Bayani na siyang lalong nagpaalab sa rebolusyon.
Si Emilio Aguinaldo ang namuno bilang pangulo ng rebolusyunaryong pamahalaan. Pinangunahan niya ang pagkakaroon ng kasunduan sa Biak-na-Bato upang pansamantalang matigil ang labanan.
Noong sumiklab ang Digmaang Espanyol-Amerikano taong 1898, bumalik si Aguinaldo mula sa Hong Kong at muling pinamunuan ang rebolusyonaryong pwersa. At sa tulong ng mga Pilipino, natalo ng Amerika ang Espanya sa Pilipinas. Noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit, Cavite, ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Iwinagayway ang Pambansang Watawat (na tinahi ni Marcela Agoncillo) at unang tinugtog ang Pambansang Awit na "Marcha Nacional Filipina" (isinulat ni Julian Felipe, sa musika ni Jose Palma). Ito ang kinikilala natin ngayon bilang Araw ng Kalayaan.
Disclaimer: ito ay maikling buod lamang, kung mayroon kayong impormasyong maidadagdag, ilagay sa komento upang lahat tayo ay matuto sa mahalagang pangyayaring ito sa ating kasaysayan.