Ang Tinig

Ang Tinig This is the Official page of Napindan Integrated School's grade school paper.

28/08/2025

๐ŸŽ‰ ๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐Œ๐š'๐š๐ฆ ๐‘๐ฎ๐ญ๐ก!๐ŸŽ“โœจ

Warmest greetings on your special day! As you celebrate another year of life, may your birthday be filled with joy, love, and blessings. This day is made even more special as we also honor your remarkable achievementโ€”your graduation with a Masterโ€™s degree. ๐ŸŒŸ

As one of our dedicated trainers in Journalism, you have not only shared your wisdom and passion but also inspired many young writers/photojournalist to believe in their own voices and craft. Your journey proves that perseverance and commitment truly lead to excellence.

May this milestone open greater opportunities for you to continue touching lives and shaping future storytellers. Once again, happy birthday and congratulations, Master! ๐Ÿฅณ๐Ÿ‘

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | "๐€๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Š๐จ, ๐Š๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง๐š๐ง ๐Š๐จ"Tuwing Agosto ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika.Itoโ€™y panahon upang alalahan...
27/08/2025

๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ | "๐€๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Š๐จ, ๐Š๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง๐š๐ง ๐Š๐จ"

Tuwing Agosto ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika.
Itoโ€™y panahon upang alalahanin ang ganda at halaga ng ating sariling wika.
Ang wika ay parang ginto kayamanan na dapat ingatan .
Sa paggamit ng wikang Filipino nagkakaintindihan.

Nagiging daluyan nang komunikasyon sa pamilya, paaralan at pamayanan.
Sa paaralan ginagamit natin ito para matuto nang bagong kaalaman.
Samantalang instrumento para magkaroon ng pag-unlad ang pamayanan.
Nagbibigkis sa pamilya para maipadama ang pagmamahalan.

Ang wika ay bahagi ng ating pagka Pilipino sumasalamin sa ating kultura at kasaysayan.
Huwag nating kalimutan na ang ating wika ay yaman na dapat pangalagaan.
Sa pamamagitan ng wika, nakikilala ang ating mahal na bansa saanman dako.
Ibantayog ang wikang Filipino huwag itong limutin lalo ng mga kabataan katulad ko.

Kaya mahalin natin ang ating wika gamitin ito nang tama.
Magtapos man ang pagdiriwang ng Buwan Ng Wika huwag kalimutan ang ating wika.
Alalahanin na ito ay dahil sa dugo at pawis ng ating Ama ng wika.
Pagmamahal sa bansa ating ipakita sa sa puso, salita at sa gawa.

____
โœ๏ธKhiona Jay B. Gargar | 5 - Bonifacio

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š: ๐’๐š๐ ๐ข๐ฌ๐š๐  ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š  Sa bawat paghampas ng hangin, pagpatak ng ulan sa Agosto may kak...
27/08/2025

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š: ๐’๐š๐ ๐ข๐ฌ๐š๐  ๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š

Sa bawat paghampas ng hangin, pagpatak ng ulan sa Agosto may kakaibang himig na umaalingawngaw sa ating paaralan at pamayanan. Hindi ito tugtog ng isang gitara o hampas ng tambol, kung hindi ang musika ng ating sariling wikaโ€”ang wikang Filipino na nagbubuklod sa puso ng bawat Pilipino.

Sa tuwing Agosto nagiging makulay ang bawat sulok ng bansa. May mga batang nakasuot nang baroโ€™t saya , mga plakard na may malalaking letra at mga palamuti mula sa banderitas hanggang sa makukulay na tela . Ngunit sa likod ng mga palamuting ito ang tunay na diwa ng Buwan Ng Wika ay nakatago sa bawat salitang binibigkas natin araw-araw mula sa simpleng โ€œkumusta ka?โ€ hanggang sa taimtim na โ€œ Mahal Kitaโ€.
Hindi lamang ito ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita na magmukhang makata o pagbabalik-tanaw sa kasaysayan. Itoโ€™y paalala na bawat wika ay may kaluluwa . Ang wikang Filipino ay salamin ng ating kasaysayan pinanday ng dugo ng mga bayaning nagmamahal sa bayan, hinubog ng kamay ng mga manunulat na sumulat kahit sa dilim at pinalago ng dila ng bawat mamamayang patuloy na ginagamit ito.

Kung minsan nalilimutan natin ang ganda nang sariling wika. Sa sobrang sanay nating gumamit nito parang hinahantulad ko sa hangin na nalilimutan na ito ay nagbibigay buhay sa bawat tao. Ngunit sa tuwing dumadating ang Buwan Ng Wika muli tayong pinapaalalahanan na ito ay hindi basta lamang sa paggamit ng ating sariling wika ito ay watawat na ating pinapanday, sagisag ng ating pagkatao at tulay na nag-uugnay sa ating nakaraan at kinabukasan.
Kaya sa buwang ito habang nagbubunyi tayo sa mga patimpalak nang mga Talumpati,Tula, Masining na Pagkuwento at pagsayaw huwag sana nating kalimutan na ang pinakamahalagang selebrasyon ay hind isa entablado kung hindi sa araw-araw na paggamit, pagpapayaman, at pagmamahal sa ating wika para hindi ito magmistulang patay na nakalibing at ibaon sa limot.

Sapagkat ang Buwan Ng Wika ay hindi lang sa Agosto ito ay bawat araw na pinipili nating maging Pilipino sa isip, sa puso at sa salita.

____
โœ๏ธXeneia B. Satajo | 5- Bonifacio

๐๐ˆ๐† ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ to our amazing SPAs โ€” Maโ€™am Hannah Cyrille (English) and Sir Harvie (Filipino) โ€” on your well-deserv...
26/08/2025

๐๐ˆ๐† ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ to our amazing SPAs โ€” Maโ€™am Hannah Cyrille (English) and Sir Harvie (Filipino) โ€” on your well-deserved promotion to ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ ๐ˆ๐ˆ!

Your passion, hard work, and love for teaching truly shine. Keep inspiring and making a difference! ๐ŸŽโœจ

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | ๐€๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ƒ๐ข๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ขTuwing buwan ng Agosto, muling binabalikan ang kasaysayan at ginuguni...
26/08/2025

๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐˜๐€๐‹ | ๐€๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ƒ๐ข๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข

Tuwing buwan ng Agosto, muling binabalikan ang kasaysayan at ginugunita ang Araw ng mga Bayani. Ito ay isang mahalagang pagkakataon upang alalahanin ang mga nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan at ipagdiwang ang kanilang walang kapantay na pagmamahal sa bayan. Sa pagdiriwang na ito, ating sariwain ang mga aral ng kanilang kagitingan at pag-ibig sa bayan, at ipagpatuloy ang kanilang iniwang pamana sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at tapat na paglilingkod sa kapwa at sa ating bansa.

Unang ipinagdiwang ang Araw ng mga Bayani noong 1931 upang bigyang-parangal ang mga bayani ng Himagsikang Pilipino. Ito ay kinilala bilang pambansang araw ng paggunita sa mga nag-alay ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng ating bayan. Sa paglipas ng panahon, ang Araw ng mga Bayani ay nagsilbing pagkakataon upang hindi lamang alalahanin ang mga bayani ng Himagsikan, kundi pati na rin ang iba pang mga bayaning lumaban para sa kalayaan at katarungan.

Ang Araw ng mga Bayani ay hindi lamang isang pagbabalik-tanaw, kundi isang paanyaya upang sariwain ang ating pagmamahal sa bayan at ipagpatuloy ang pamana ng ating mga dakilang bayani.

Mabuhay ang ating mga Bayani! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

____
โœ๏ธAngel Talampas | 5- Bonifacio
๐ŸŽจPrince Olie B. Torres | 6-Topaz

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข: ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ข๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จTuwing huling Lunes ng Agosto, ipinagdiriwan...
25/08/2025

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข: ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ข๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ

Tuwing huling Lunes ng Agosto, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng mga Bayaniโ€”isang pambansang holiday na inilalaan upang parangalan ang lahat ng bayaning nag-alay ng kanilang buhay, talino, at lakas para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. Hindi lamang ito para sa mga tanyag na personalidad tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Emilio Aguinaldo, kundi pati na rin sa mga di-kilalang bayani na tahimik na naglingkod sa bayan.

Ang diwa ng Araw ng mga Bayani ay hindi lamang nakapako sa nakaraan, kundi paalala rin sa kasalukuyan na bawat Pilipino ay maaaring maging bayani sa sariling paraanโ€”sa pagiging tapat, responsable, at may malasakit sa kapwa. Sa paaralan man, sa opisina, o sa sariling tahanan, ang kabayanihan ay nasusukat hindi lang sa laki ng sakripisyo kundi sa dalisay na hangaring magbigay ng kabutihan sa iba.

Sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang laban para sa katarungan, pagkakaisa, at pag-unlad ng bayanโ€”mga adhikain na minsan nang ipinaglaban ng ating mga ninuno, at tungkulin nating ipagpatuloy bilang mga bayani ng makabagong panahon.

____
๐Ÿ–‹๏ธHannah Cyrille, ๐’ฎ๐’ธ๐’ฝโ„ดโ„ด๐“ ๐’ซ๐’ถ๐“…โ„ฏ๐“‡ ๐’œ๐’น๐“‹๐’พ๐“ˆโ„ฏ๐“‡

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฉ๐ข๐ง๐๐š๐ง ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅNapuno ng sigla at dedikasyon ang Napin...
25/08/2025

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ | ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฉ๐ข๐ง๐๐š๐ง ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ

Napuno ng sigla at dedikasyon ang Napindan Integrated School noong Agosto 16, 2025 matapos matagumpay na maisagawa ang Intensive Training sa Journalism bilang bahagi ng paghahanda ng mga batang manunulat para sa nalalapit na ๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž (DSPC).

Pinangunahan ng ibaโ€™t ibang eksperto ang nasabing pagsasanay sa kani-kanilang larangan. Naging pangunahing tagapagsalita sina:

๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐…๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐•๐ž๐ฅ๐š๐ฌ๐œ๐จ para sa Radio Broadcasting (Filipino)

๐‘๐š๐Ÿ๐š๐ž๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐ฑ ๐€๐ฆ๐ฎ๐ญ๐š๐ง para sa Collaborative Desktop Publishing (CDP)

๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ก๐ข๐ง๐š๐ฒ para sa Science and Technology Writing

๐Š๐ž๐ง๐ง๐ž๐ญ๐ก ๐‘๐š๐ž๐ง๐ž๐ข๐ฅ ๐…๐ซ๐จ๐ง๐๐จ๐ฌ๐จ para sa Photojournalism

๐’๐ž๐š๐ง ๐Š๐ฒ๐ฅ๐ž ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ para sa Radio Broadcasting (English)

Kabilang sa matagumpay na aktibidad ang masinsinang talakayan, praktikal na gawain, at aktuwal na pagsasanay upang lalong mahubog ang kasanayan at tiwala sa sarili ng mga mag-aaral.

Lubos namang ipinakita ang buong suporta ng mahal na punong-g**o ng paaralan na si ๐ƒ๐ซ. ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐…. ๐Œ๐š๐ญ๐š๐š๐œ, na nagbigay inspirasyon sa mga kalahok na patuloy na magsikap at magpursigi sa larangan ng campus journalism.

Kasama rin sa matagumpay na pagdaraos ng programa ang walang sawang gabay at pagsuporta ng mga School Paper Advisers, na sina ๐‡๐š๐ง๐ง๐š๐ก ๐‚๐ฒ๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ž ๐‚. ๐Ž๐ฑ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ (SPA English) at ๐‡๐š๐ซ๐ฏ๐ข๐ž ๐. ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ง๐ฎ๐š (SPA Filipino), gayundin ang mga trainers mula sa bawat kategorya.

Bilang pagpapatuloy ng kanilang pagsasanay, nakatakda pang magkaroon ng regular na training sessions tuwing Sabado upang higit pang mahasa ang kakayahan ng mga batang manunulat at masig**ong handa sila para sa kompetisyon.

Sa pamamagitan ng programang ito, pinatotohanan ng Napindan Integrated School na ang pagpapaunlad sa talento at husay ng mga kabataan sa larangan ng pamamahayag ay mahalagang hakbang upang maitaguyod ang malayang pamamahayag at malikhaing pagpapahayag sa hinaharap.

____
โœ๏ธ Harvie P. Magbanua

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐๐Œ, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐จ ๐ฌ๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ข๐ Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  (BBM) sa libingan ng mga b...
25/08/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐๐Œ, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐จ ๐ฌ๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ข๐ 

Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (BBM) sa libingan ng mga bayani sa Taguig City upang pangunahan ang panggunita sa Araw ng mga Bayani.

Tuwing huling lunes ng Agosto, ipinagdiriwang sa buong bansa ang araw ng mga bayani. Ito'y bilang pagbibigay pugay sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, talino, at lakas para sa kalayaan at kapakanan ng ating bayan.

Isa itong pagkakataon upang sariwain at kilalanin hindi lamang ang mga tanyag na mga bayani kundi para na rin sa mga tahimik na nandirigma tulad ng mga g**o, sundalo, manggagawa, at karaniwang mamamayan na naging bahagi ng pagtataguyod ng ating bansa.

"Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa ang kailangan nating tutukan upang maalagan ang ating kalayaan," paliwanag ni Pangulong Marcos

Muling hinikayat ng Pangulo ang bayan na mas mapanuri sa mga mali at isiwalat ang panloloko at panindigan ang tama kahit hindi ito madali.

_____
โœ๏ธYasmin Binte Mohammed Yasin | 5- Bonifacio
Jheacynth Niel Pintor | 5 - Bonifacio

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐ˆ๐’ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐‰๐จ๐ฎ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐šNoong Agosto 2, 2025, matagumpay na isinagawa sa NIS C...
09/08/2025

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐ˆ๐’ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐‰๐จ๐ฎ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š

Noong Agosto 2, 2025, matagumpay na isinagawa sa NIS Covered Gym ang Campus Journalism Orientation ng Napindan Integrated School na may temang โ€œ๐•๐จ๐ฑ ๐•๐ž๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ฌ, ๐•๐จ๐ฑ ๐‰๐ฎ๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ฆโ€ o โ€œTinig ng Katotohanan, Tinig ng Kabataanโ€.

Sinimulan ang programa sa registration at pambungad na gawain, na sinundan ng Welcome Remarks mula sa Punong G**o na si ๐ƒ๐ซ. ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐…. ๐Œ๐š๐ญ๐š๐š๐œ, Principal IV kasunod ang mensahe ni ๐†. ๐‡๐š๐ซ๐ฏ๐ข๐ž ๐. ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ง๐ฎ๐š, School Paper Adviserโ€“Filipino. Pinangunahan ni ๐†๐ง๐ . ๐„๐ฏ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐Œ. ๐Œ๐š๐ง๐จ๐ฌ๐œ๐š, Editorial Cartooning Trainer, ang Roll Call of Participants, habang si ๐†๐ง๐ . ๐Œ๐ž๐ฅ๐š๐ง๐ข๐ž ๐…. ๐Š๐š๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ง, Feature Writing Trainer, ay nagbigay ng Overview of Campus Journalism.

Ipinakilala naman ni Gng. Evangeline M. Maรฑosca ang mga trainers bago magsimula ang breakout sessions sa kani-kanilang larangan ng pagsasanay.

Bilang pagtatapos, nagbigay ng mensahe si ๐†๐ง๐ . ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐จ๐ฎ ๐ƒ. ๐…๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐๐ž๐ณ, Editorial Writing Trainer na nagpasigla sa mga kalahok na pagyamanin ang kanilang talento sa pamamahayag. Sinundan ito ng Closing Prayer na pinangunahan ni ๐†๐ง๐ . ๐‘๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ. ๐‚๐š๐ญ๐จ๐œ, na nagbigay-diin sa pasasalamat at paggabay para sa tagumpay ng mga kalahok sa hinaharap. Pinangunahan nina ๐†๐ง๐ . ๐‹๐ž๐ž๐ง๐ฅ๐ฒ ๐. ๐€๐ซ๐ณ๐š๐๐จ๐ง at ๐†. ๐‡๐š๐ซ๐ฏ๐ข๐ž ๐. ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ง๐ฎ๐š ang pagmamasiwa ng buong programa.

Layunin ng oryentasyon na palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa sining ng pamamahayag at hikayatin silang maging tinig ng katotohanan sa kanilang henerasyon.

____
๐Ÿ–‹๏ธ๐‡๐š๐ซ๐ฏ๐ข๐ž ๐. ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ง๐ฎ๐š, ๐š‚๐šŒ๐š‘๐š˜๐š˜๐š• ๐™ฟ๐šŠ๐š™๐šŽ๐š› ๐™ฐ๐š๐šŸ๐š’๐šœ๐šŽ๐š› - ๐™ต๐š’๐š•๐š’๐š™๐š’๐š—๐š˜
๐Ÿ“ธ ๐‘๐ฎ๐ญ๐ก ๐Œ. ๐‚๐š๐ญ๐จ๐œ,๐™ฟ๐š‘๐š˜๐š๐š˜๐š“๐š˜๐šž๐š›๐š—๐šŠ๐š•๐š’๐šœ๐š– ๐šƒ๐š›๐šŠ๐š’๐š—๐šŽ๐š›

๐–ฆ๐—ˆ๐—ˆ๐–ฝ ๐–ฃ๐–บ๐—’! ๐–ณ๐—๐—‚๐—Œ ๐—‚๐—Œ ๐—’๐—ˆ๐—Ž๐—‹ ๐‚๐‡๐€๐๐‚๐„ ๐—๐—ˆ ๐™‰๐—Ž๐—‹๐—๐—Ž๐—‹๐–พ, ๐™„๐—‡๐—‡๐—ˆ๐—๐–บ๐—๐–พ, ๐–บ๐—‡๐–ฝ ๐™Žtand-out! ๐–ก๐–พ ๐—‰๐–บ๐—‹๐— ๐—ˆ๐–ฟ ๐—ˆ๐—Ž๐—‹ CโƒจAโƒจMโƒจPโƒจUโƒจSโƒจ JโƒจOโƒจUโƒจRโƒจNโƒจAโƒจLโƒจIโƒจSโƒจMโƒจ ๐–บ๐—‡๐–ฝ ...
23/07/2025

๐–ฆ๐—ˆ๐—ˆ๐–ฝ ๐–ฃ๐–บ๐—’!

๐–ณ๐—๐—‚๐—Œ ๐—‚๐—Œ ๐—’๐—ˆ๐—Ž๐—‹ ๐‚๐‡๐€๐๐‚๐„ ๐—๐—ˆ ๐™‰๐—Ž๐—‹๐—๐—Ž๐—‹๐–พ, ๐™„๐—‡๐—‡๐—ˆ๐—๐–บ๐—๐–พ, ๐–บ๐—‡๐–ฝ ๐™Žtand-out!

๐–ก๐–พ ๐—‰๐–บ๐—‹๐— ๐—ˆ๐–ฟ ๐—ˆ๐—Ž๐—‹ CโƒจAโƒจMโƒจPโƒจUโƒจSโƒจ JโƒจOโƒจUโƒจRโƒจNโƒจAโƒจLโƒจIโƒจSโƒจMโƒจ ๐–บ๐—‡๐–ฝ ๐—†๐–บ๐—„๐–พ ๐–ญ๐–บ๐—‰๐—‚๐—‡๐–ฝ๐–บ๐—‡ ๐–จ๐—‡๐—๐–พ๐—€๐—‹๐–บ๐—๐–พ๐–ฝ ๐–ฒ๐–ผ๐—๐—ˆ๐—ˆ๐—… ๐—๐—๐–พ ๐—‰๐—‹๐—‚๐–ฝ๐–พ ๐—๐—ˆ ๐–พ๐—‘๐–ผ๐–พ๐—….

๐–ฒ๐–ผ๐—‹๐–พ๐–พ๐—‡๐—‚๐—‡๐—€ ๐–บ๐—‡๐–ฝ ๐–บ๐–ฝ๐—†๐—‚๐—Œ๐—Œ๐—‚๐—ˆ๐—‡ ๐—‚๐—Œ ๐—ˆ๐—‰๐–พ๐—‡ ๐–ฟ๐—ˆ๐—‹ ๐–บ๐—…๐—… ๐–ฆ๐—‹๐–บ๐–ฝ๐–พ 4, 5, ๐–บ๐—‡๐–ฝ 6 ๐—‰๐—Ž๐—‰๐—‚๐—…๐—Œ ๐—๐—๐—ˆ ๐—๐–บ๐—๐–พ ๐—๐—๐–พ ๐—‚๐—‡๐–ผ๐—…๐—‚๐—‡๐–บ๐—๐—‚๐—ˆ๐—‡ ๐–บ๐—‡๐–ฝ ๐—๐—‚๐—…๐—…๐—‚๐—‡๐—€๐—‡๐–พ๐—Œ๐—Œ ๐—๐—ˆ ๐—…๐–พ๐–บ๐—‹๐—‡ ๐–ผ๐–บ๐—†๐—‰๐—Ž๐—Œ ๐—ƒ๐—ˆ๐—Ž๐—‹๐—‡๐–บ๐—…๐—‚๐—Œ๐—† (๐—ˆ๐—‡๐—…๐—‚๐—‡๐–พ & ๐–ฟ๐–บ๐–ผ๐–พ-๐—๐—ˆ-๐–ฟ๐–บ๐–ผ๐–พ ๐—๐—‹๐–บ๐—‚๐—‡๐—‚๐—‡๐—€).

๐–ณ๐—ˆ ๐–บ๐—…๐—… ๐–ญ๐–จ๐–ฒ ๐—‰๐—Ž๐—‰๐—‚๐—…๐—Œ ๐—๐—๐—ˆ ๐–บ๐—‹๐–พ ๐—‚๐—‡๐—๐–พ๐—‹๐–พ๐—Œ๐—๐–พ๐–ฝ, ๐—„๐—‚๐—‡๐–ฝ๐—…๐—’ ๐–ผ๐—๐–พ๐–ผ๐—„ ๐—๐—๐–พ ๐—…๐—‚๐—Œ๐—๐–พ๐–ฝ ๐–ผ๐–บ๐—๐–พ๐—€๐—ˆ๐—‹๐—‚๐–พ๐—Œ ๐–บ๐—‡๐–ฝ ๐–บ๐—‰๐—‰๐—‹๐—ˆ๐–บ๐–ผ๐— ๐—๐—๐–พ ๐—๐—‹๐–บ๐—‚๐—‡๐–พ๐—‹ ๐—‚๐—‡-๐–ผ๐—๐–บ๐—‹๐—€๐–พ.

๐–ถ๐–พ๐—…๐–ผ๐—ˆ๐—†๐–พ ๐–บ๐—‡๐–ฝ ๐–ฒ๐–พ๐–พ ๐—’๐—ˆ๐—Ž ๐–บ๐—…๐—…!

"๐•๐จ๐ฑ ๐•๐ž๐ซ๐ข๐ญ๐š๐ฌ, ๐•๐จ๐ฑ ๐‰๐ฎ๐ฏ๐ž๐ง๐ฎ๐ฆ"

07/12/2023

MAGANDANG ARAW!

Para sa buwan ng Disyembre, 2023 - narito nang muli ang TBB: Monthly Rundown para sa pinakaabangang balita ng paaralang Napindan.

Sariwain natin ang balitang ito kasama si Ervin Santos, mag-aaral ng Ikaanim na Baitang, pangkat Diamond.



Address

Napindan Integrated School
Taguig
1630

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8:15am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tinig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Tinig:

Share