15/10/2025
May RECRUITMENT Na !
ANO PA ANG HINIHINTAY MO?
Kung isa ka sa mga kabataang Pilipinong may tapang, integridad, at malasakit sa katotohanan, ito na ang pagkakataon mo para maging bahagi ng premier investigative unit ng kapulisan sa bansa!
MGA DAPAT IHANDA
Simulan mo nang ipunin ang mga sumusunod na dokumento para sa iyong Initial Application Folder (Gamitin ang kulay berde na folder):
1. Na-accomplish na Civil Service Commission Form 212 (maaaring i-download online)
2. PSA issued Birth Certificate
3. Authenticated Eligibility – (NAPOLCOM, CSC, PRC o PD No. 907)
4. Report of Rating / PRC License kung Board Passer
5. Authenticated College Diploma at Transcript of Records (TOR)
6. Orihinal na Certificate of Good Moral Character mula sa huling paaralan
7. Dalawang (2) pirasong 2x2 na colored picture na may name tag, white background, white round-neck t-shirt
📌 Simula ng Tanggap ng Aplikasyon:
Oktubre 21 hanggang Oktubre 27, 2025 lamang ang window ng submission!
PAALALA
✔️ Walang bayad ang aplikasyon
❌ I-report agad ang mga fixer o nag-aalok ng “tulungan” kapalit ng pera
📞 Para sa katanungan, tumawag sa: (02) 8723-0401 local 7274
---
Ito na ang pagkakataon mo para maging bahagi ng hanay ng mga tunay na tagapagsiwalat ng krimen at katiwalian