Ang Tagdan Filipino Journalism

Ang Tagdan Filipino Journalism OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALANG WESTERN BICUTAN

Filipino Journalism ng Western Bicutan National Bicutan High School na naghahatid ng balitang totoo, mapagkakatiwalaan at naglalayag ng impormasyon pahimpapawid.

“Dating naglalarawan ngayo’y isa ng taga-hubog.”Malugod kaming nagagalak sa iyong nakamit na hakbang sa pagtupad ng iyon...
18/12/2024

“Dating naglalarawan ngayo’y isa ng taga-hubog.”

Malugod kaming nagagalak sa iyong nakamit na hakbang sa pagtupad ng iyong sinumpaang tungkulin bilang isang tagapagdaloy ng karunugan.

Patuloy kang maging inspirasyon sa lahat.

“Sa pagsisiwalat ng katotohanan, makakamit ang hustisya.”Pagbati sa iyong natamong tagumpay sa abogasya. Nawa’y patuloy ...
18/12/2024

“Sa pagsisiwalat ng katotohanan, makakamit ang hustisya.”

Pagbati sa iyong natamong tagumpay sa abogasya. Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa Tagdan at maging tulay sa lipunan na may patas na pagtingin.

“Pagsulat patungong pagmulat.”Patuloy kang magmulat hindi lang sa pamamahayag kundi maging sa pagiging liwanag ng karunu...
13/12/2024

“Pagsulat patungong pagmulat.”

Patuloy kang magmulat hindi lang sa pamamahayag kundi maging sa pagiging liwanag ng karunungan.

Kami’y lubos na nagagalak sa iyong pagiging instrumento sa Tagdan at maging sa iyong tatakahing landas bilang isang g**o.

Mula sa boligrafo at ngayo'y hiringgilya.Pagbati sa mamamahayag ng Ang Tagdan, Daniel H. Escaniel, RN.Nagbago man ang iy...
29/11/2024

Mula sa boligrafo at ngayo'y hiringgilya.

Pagbati sa mamamahayag ng Ang Tagdan, Daniel H. Escaniel, RN.

Nagbago man ang iyong tangan sa iyong mga palad ngunit ang iyong tungkulin para sa lipunan ay mananatili. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon at produktibo sa iyong larangan.

Ipinagmamalaki namin ang iyong tagumpay.

Naaalala mo pa ba sila?I-comment ang paborito ninyong linyahan ng g**o ninyo sa Filipino at ilagay ang kanilang pangalan...
14/08/2024

Naaalala mo pa ba sila?

I-comment ang paborito ninyong linyahan ng g**o ninyo sa Filipino at ilagay ang kanilang pangalan. 😊

Bukod sa mga aral, kinapupulutan din natin sila ng mga pangmalakasang linyahan.

08/08/2024

Eyy-gosto para sa Buwan ng Wika. 🤙🤙🤙
Narito ang mga Patimpalak na inihanda ng Kagawaran ng Filipino na humihimok sa lahat ng mag-aaral na sumali at makiisa sa mapagpalayang pagpapamalas ng inyong husay at talento.

Eyy-no pang hinihintay ninyo?!
Sali na! 🤙🤙🤙

Agosto na!A-gusto ka na rin ba?!?Isang Mapagpalayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024. Sinimulan ang pagsalubong ng pag...
02/08/2024

Agosto na!
A-gusto ka na rin ba?!?

Isang Mapagpalayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024. Sinimulan ang pagsalubong ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 ng Western Bicutan National High School sa pansilid na palatuntunan sa bawat klase sa oras ng asignaturang Filipino.

Hindi naging hadlang ang limitadong oras sa pagpapamalas ng mga talento ng mga mag-aaral at ang maikling palatuntunang ito ang nagpapatunay na ang Wikang Filipino ay Mapagpalaya.

Mga larawang kuha mula sa Kagarawaran ng Filipino.

Pagbati, Ang Tagdan Journos!Kamakailan lang ay ginanap ang Division Schools Press Conference (DSPC) 2024 sa Mataas na Pa...
16/03/2024

Pagbati, Ang Tagdan Journos!

Kamakailan lang ay ginanap ang Division Schools Press Conference (DSPC) 2024 sa Mataas na Paaralan ng Benigno Aquino.

Nakapag-uwi ng iba’t ibang parangal ang mga miyembro ng Ang Tagdan at kabilang dito ay ang mga sumusunod:

3rd Place Individual Category, Paglalarawang Tudling (Nathanielle Rivera)

Overall 2nd Place, Collaborative and Desktop Publishing
-1st Place Best in Sports Page (Fathima Escaniel)
-2nd Place Best in News Page (Harlene Guillermo)
-2nd Place Best in Feature Page (Robie Estabillo)
-2nd Place Best in Editorial Page (Cassandra Pangilinan)
-3rd Place Best in Layout and Design (Joshua Oronico)

Overall 3rd Place, Radio Broadcasting and Scriptwriting
-4th Place Best Anchor (Mhiel Dionio)
-4th Place Best News Presenter (Ronabie Concillado)
-2nd Place Best in Infomercial
-3rd Place Best in Script

Lubos na nagpapasalamat ang buong Ang Tagdan sa walang sawang pagsuporta ng ating School Principal na si Dr. Rea Milana-Cruz, Filipino Department Head na si Gng. Maricel Castro, sa mga tagapagsanay na sina Bb. Richelle Macarubbo at Gng. Rhona Pearl Palabyab, at sa buong Departamento ng Filipino.

13/03/2024
Makiisa at makisaya sa PANGKALAHATANG ORYENTASYON ng Ang Tagdan Filipino Journalism sa darating na ika-27 ng Setyembre, ...
26/09/2023

Makiisa at makisaya sa PANGKALAHATANG ORYENTASYON ng Ang Tagdan Filipino Journalism sa darating na ika-27 ng Setyembre, 2023, araw ng Miyerkules sa ganap na 12:30 ng hapon sa Multipurpose Hall sa Gusali Blg. 05.

Inaanyayahan lahat ng mga miyembro, opisyal at mga mag-aaral na nagpatala upang maging bahagi ng ANG TAGDAN, ang opisyal na payahagan sa Filipino ng Western Bicutan National High School.

Magkita-kita tayo bukas!

Isang mainit na pagtanggap at pagbati mula sa pamunuan ng Ang Tagdan, Taong Panuruan 2023-2024 sa mga bagong mukha ng ma...
17/09/2023

Isang mainit na pagtanggap at pagbati mula sa pamunuan ng Ang Tagdan, Taong Panuruan 2023-2024 sa mga bagong mukha ng manunulat at mamamahayag na may PANININDIGAN, dala ay impormasyong TUNAY at MAAASAHAN.



-2024

𝗔𝗿𝗶𝗯𝗮, 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻𝗶𝗮𝗻𝘀!Ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Western Bicutan National High School ay nandito na!Basahin an...
31/05/2023

𝗔𝗿𝗶𝗯𝗮, 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻𝗶𝗮𝗻𝘀!

Ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Western Bicutan National High School ay nandito na!

Basahin ang mga nakalap na impormasyon sa panuruang taon 2022-2023!

Mangyaring paki-like at share din ng aming page para sa mas malawak na paghahatid impormasyon sa mga Westernians!


Address

EP Village, Phase 1, Pinagsama
Taguig
1632

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tagdan Filipino Journalism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share