
31/08/2025
📌
Kanselado po ang klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang pasok sa trabaho ng mga tanggapan ng gobyerno sa Lungsod ng Caloocan ngayong Lunes, September 1, 2025 dahil sa masamang panahon.
Samantala, mananatiling alerto at may pasok ang mga tanggapan ng pamahalaang lungsod na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo para sa ating mga kababayan.
Mga Batang Kankaloo, mag-ingat po tayong lahat at tumutok sa lagay ng panahon at iba pang mga abiso.
CALOOCAN EMERGENCY HOTLINES:
(02) 888-25664
0908-81-25664