04/11/2025
Usapan ni Abraham at ng Diyos sa Genesis 18 —
Gabing tahimik, si Abraham nakatayo sa labas ng tent niya, kausap ang Diyos na nagbabalak nang sirain ang Sodoma at Gomorra dahil sa sobrang kasamaan ng mga tao roon.
Abraham:
“Lord, totoo po bang sisirain n’yo ang buong lungsod? Kahit may mga mabubuti pa roon?”
Diyos:
“Marami nang kasamaan doon, Abraham.”
Abraham (nag-aalangan pero matapang):
“Pero Lord, paano kung may 50 pa kayong matuwid sa lungsod? Papayagan n’yo bang mamatay sila kasama ng masasama? Hindi ba parang di po ‘yon makatarungan?”
Diyos:
“Kung makakita ako ng 50 matuwid, hindi ko sisirain ang lungsod.”
Abraham:
“Okay Lord, paano naman kung 45 lang?”
Diyos:
“Kung 45, hindi ko pa rin sisirain.”
Abraham (medyo kinakabahan pero tuloy lang):
“E kung 40 nalang po?”
Diyos:
“Kung may 40, hindi ko pa rin wawasakin.”
Abraham:
“Lord, wag po sana kayong magalit ha, pero… paano kung 30 nalang?”
Diyos:
“Kung may 30 matuwid, hindi ko sisirain.”
Abraham (napapangiti pero humihinga ng malalim):
“E kung 20 nalang po?”
Diyos:
“Kung may 20, hindi ko pa rin sisirain.”
Abraham (mahina na boses):
“Panginoon… last na po talaga ito… paano kung 10 nalang?”
Diyos:
“Kung may 10 matuwid, hindi ko sisirain ang lungsod.”
⸻
Pagkatapos ng usapan, umalis ang Diyos, at naiwan si Abraham, tahimik na nagdarasal. Pero sa bandang huli, alam natin na halos wala nang matuwid sa Sodoma at Gomorra kaya tuloy ang parusa.
Tanging si Lot (pamankin ni Abraham) at pamilya niya lang ang nailigtas.
Kung may sampu pang matuwid… ililigtas Niya ang lahat.
Ganun kabuti ang Diyos naghahanap lang Siya ng iilan na totoo, para iligtas ang marami.