Filipinas Next Message

Filipinas Next Message Let us support your business in Media relations, Crisis Communications, & Reputation Management

PINOY MOMENTMatapos ang intense rally sa kalagitnaan ng matchup nina Alexandra Eala at Clara Tauson, naka-iskor si Eala ...
31/08/2025

PINOY MOMENT

Matapos ang intense rally sa kalagitnaan ng matchup nina Alexandra Eala at Clara Tauson, naka-iskor si Eala nang hindi naibalik ni Tauson ang bola, na umani ng palakpakan at hiyawan mula sa mga nanood ng kanilang laban sa 2025 US Open.

Nahuli naman sa close-up shot kay Eala ang mistulang pagsabi ng atleta ng “p_t_ng*na” matapos niyang maka-iskor, na kaagad nag-viral sa social media at ikinatuwa ng mga Pinoy netizen.

“The first p*tang ina ever caught on camera in a grand slam. Pinoy na pinoy ka nga Alex!” hirit ng isang netizen sa X (dating Twitter).

“Alex Eala's put_ang ina at the US Open is the only put_ang ina I tolerate,” saad din ng poet at writer na si Jerry B. Grácio sa X.




Nanawagan si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa taumbayan na huwag ng bumoto ng mga “magnanakaw”, nagsisinungaling, at ma...
31/08/2025

Nanawagan si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa taumbayan na huwag ng bumoto ng mga “magnanakaw”, nagsisinungaling, at makasariling pulitiko dahil ang kinakailangan sa epektibong pagtugon sa flood control problems sa bansa ay isang malinis at maaasahan na pamumuno.

“Noong unang panahon, mga pulitiko namomorsyento sa proyekto. Ngunit, sa tindi ng pangungurakot, proyekto na lang ang namomorsyento sa pulitiko,” mababasa sa inilabas na press release ng senador nitong Miyerkules, Agosto 27.

Idiniin din niya na ang paulit-ulit na problema sa flood control ay hindi “natural” kundi bunga ng poor at baradong drainage systems, kakulangan sa maintenance, kuwestiyunableng infrastructure planning, at korapsyon.

“The pattern is clear: corruption in public infrastructure is not just inconvenient—it is dangerous, costly, and unjust,” dagdag pa ni Pangilinan.





Ibinahagi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Martes, Agosto 26, na 40 porsyento ng gastusin ...
31/08/2025

Ibinahagi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Martes, Agosto 26, na 40 porsyento ng gastusin ng mga Pilipino ay napupunta sa pagbili ng gamot.

Ito ay matapos ilunsad ng ahensya ang Guaranteed and Accessible Medication for Out-patient Treatment o GAMOT program kung saan libre ang nasa 75 essential drugs para sa mga karaniwang malalang sakit gaya ng diabetes, altapresyon, hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), at mataas na cholesterol.

Ayon kay PhilHealth Corporate Affairs Group acting vice president Rey Baleña, pinalawak ng GAMOT program ang Konsulta Package ng PhilHealth na ngayon ay kabilang na sa mas malawak na YAKAP o Yaman ng Kalusugan Program.

“Kapag nakapili na sila at natala na sila doon sa YAKAP clinic po ay dumiretso na po, magpa-check up na po kayo, makipag-usap na kayo, titingnan po kayo ng doktor doon sa YAKAP clinic na napili po ninyo para malaman po iyong lagay ng inyong kalusugan. At mula po doon, malalaman po ng kababayan natin kung talagang kailangan sila na resetahan ng gamot," aniya.



Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ang isang video na nagpapakita ng kanyang pinag...
31/08/2025

Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ang isang video na nagpapakita ng kanyang pinagdaanan matapos maospital dahil sa isang matinding episode ng depression.

Umantig ito sa puso ng marami dahil sa kanyang pagiging bukas tungkol sa kalusugan ng isip.

Nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta sina Vilma Santos, Vina Morales, Arci Muñoz, Small Laude, at Salve Asis.

“We are all here loving you.. Dito lang kami para sa’yo. Tomorrow is another day! Be happy, smile and enjoy life cause you are blessed. I love you!” komento ni Vilma.





Ayon sa mga ulat, obligado umano ang mga bodyguard ni Russian President Vladimir Putin na kolektahin at itago ang lahat ...
31/08/2025

Ayon sa mga ulat, obligado umano ang mga bodyguard ni Russian President Vladimir Putin na kolektahin at itago ang lahat ng kanyang biological waste sa isang special “poop suitcase” tuwing siya ay bumibiyahe sa ibang bansa, kabilang na ang kanyang 'peace meeting' kay US President Donald Trump sa Alaska.

Layon umano nito na maiwasan ang posibilidad na masuri ng mga foreign agency ang kanyang biological waste, na maaaring magbigay ng impormasyon ukol sa kalusugan, iniinom na gamot, o posibleng genetic condition ng pangulo.

Una na itong iniulat nina Regis Gente at Mikhail Rubi noong Paris Match 2022 kung saan sinabi nila na ang Federal Protection Service (FPS) ng Russia ang lihim na nagkokolekta at nagbabalik ng biological waste ni Putin sa tuwing siya ay nasa ibang bansa.

Samantala, ayon sa ulat ng PBS News, ang pagpupulong nina Putin at Trump noong Agosto 15 (US time) ay nakasentro sa posibilidad ng ceasefire, halos apat na taon matapos ipag-utos ni Putin ang full-scale invasion sa Ukraine.



Señor Sto. Niño, nagaampo kami kanimo.
31/08/2025

Señor Sto. Niño, nagaampo kami kanimo.




Ginoong Hesukristo panalipdi kami. Amen.
30/08/2025

Ginoong Hesukristo panalipdi kami. Amen.



Thank You for August.Lord, thank You for every blessing, lesson, and trial this month. I step forward with faith into th...
30/08/2025

Thank You for August.

Lord, thank You for every blessing, lesson, and trial this month. I step forward with faith into the next chapter.


Pormal nang sinampahan ng kasong bribery at iba pang charges si Kim Keon Hee, maybahay ng pinatalsik na South Korean pre...
30/08/2025

Pormal nang sinampahan ng kasong bribery at iba pang charges si Kim Keon Hee, maybahay ng pinatalsik na South Korean president Yoon Suk Yeol, bunsod ng lumalalim na imbestigasyon sa krisis na idinulot ng naunsiyaming martial law declaration at iba pang iskandalo, ayon sa special prosecution team nitong Biyernes, Agosto 29.

Matapos ang pagbasa ng sakdal, agad na humingi ng paumanhin si Kim at sinabi nitong handa siyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Ang mag-asawang Yoon at Kim ay inaresto dahil sa pamumuno diumano sa paglaban sa gobyerno matapos patalsikin ang una bilang pangulo ng South Korea noong Abril na nag-ugat sa pagdedeklara niya ng batas militar noong Disyembre na hindi naman naipatupad at agad na binawi.

Kapag napatunayang “guilty,” si Kim ay posibleng makulong ng mahabang panahon dahil sa mga alegasyon tulad ng stock fraud at bribery kung saan damay rin ang ilang business leaders, at political brokers.

Ilang ulit na rin nasabit sa iskandalo ang dating unang ginang na nakaapekto sa liderato ni Yoon at kanyang partido pulitikal.






BORN WITH SILVER SPOON?Sa gitna ng kabi-kabilang “lifestyle check” ng netizens sa mga politiko at kanilang mga pamilya, ...
30/08/2025

BORN WITH SILVER SPOON?

Sa gitna ng kabi-kabilang “lifestyle check” ng netizens sa mga politiko at kanilang mga pamilya, kinuwestiyon ng mga netizens ang pagt-throwback ni Heart Evangelista, asawa ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, sa kanyang marangyang buhay noong bata pa lamang siya.

“Defensive mo naman ata sa mga post mo recently?” banat ng isang netizen sa fashion icon.

Binanggit naman ng ilang netizens ang Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, kung saan nakasaad na: “Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.”

Marami naman ang dumepensa kay Heart at sinabing: “She was born with a silver spoon, so stop accusing her that she's using people's money to sustain her lavish life,” saad ng isang netizen.


‘KAYA KO BINILI KASI NAALIW AKO SA PAYONG’Ibinahagi ng aktor at content creator na si Frederick Magdaluyo Fructuoso sa F...
30/08/2025

‘KAYA KO BINILI KASI NAALIW AKO SA PAYONG’

Ibinahagi ng aktor at content creator na si Frederick Magdaluyo Fructuoso sa Facebook nitong Biyernes, Agosto 29, ang larawan niya na may hawak na payong mula sa isang mamahaling brand ng sasakyan at may caption na: “Kaya ko binili itong Everest kasi naaliw ako sa payong 🤭.”

Bagama’t walang sinabi ay posibleng kaugnay ito sa kontrobersyal na pahayag ng contractor at dating Pasig City mayoral candidate na si Sarah Discaya na dahil sa payong ay binili niya umano ang luxury car na Rolls R0yce, na nagkakahalaga ng $407,750 (P23 million) hanggang $472,750 (P26.7 million).

Kabilang ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa contractors na iniimbestigahan dahil sa diumano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.

(Photo courtesy: Frederick Magdaluyo Fructuoso/Facebook)


Ito ang naging pahayag ng content creator na si Zac Alviz kaugnay sa isyu ng umano'y katiwalian sa pamamahala ng mga ahe...
30/08/2025

Ito ang naging pahayag ng content creator na si Zac Alviz kaugnay sa isyu ng umano'y katiwalian sa pamamahala ng mga ahensya ng gobyerno sa pondo ng bayan.

“If you manage to live a comfortable life in the Philippines despite the corruption, just imagine your life in a healthier environment,” saad ni Alviz sa kanyang post nitong Biyernes, Agosto 30.

Maraming netizens ang sumang-ayon sa pahayag ng content creator kung saan isa ang nagsabi na: "Mayaman ang bansa natin. Mahirap lang ang mindset ng mga karamihang nakaupo sa government."

"Sana mabago na ang systema ng pilipinas. Madami pa din umaasa kasi mas masarap talaga mamuhay sa bayang sinilangan," komento pa ng isang netizen.


Address

35th Avenue, Bonifacio Global City
Taguig
1643

Telephone

09876543210

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Filipinas Next Message posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Filipinas Next Message:

Share